Alden nag-donate ng tulong sa mga bulag

Alden Richards

Marami nang nahu-hook sa panonood ng inspirational drama series ni Alden Richards na The Gift kung saan gumaganap na siya ngayong isang bulag matapos siyang mabaril sa ulo. Pero sa kabila ng pagiging bulag niya, nakakakita siya ng visions na hindi niya alam kung saan nanggagaling, at ang nakikita niyang visions o kahit sa panaginip niya ay nagkakatotoo. Nakikita rin niya ang past at ang future ng taong mahawakan niya.

Kaya naman may mga gusto nang tumulong para sa samahan ng mga bulag dito sa atin. Ang Resources for the Blind Inc. ay nagpasalamat sa Friends for Alden USA, for making a donation on October 4, 2019 in the name of Richard Reyes Faulkerson, Jr. (Alden Richards).

“The gift would go a long way in helping persons who are blind and with visual impairment reach their fullest potential in life. Thank you very much!”

Ang Resources for the Blind, Inc. ay ang school kung saan nag-aral si Alden kung paano dapat kumilos ang isang bulag na parang normal. Ilang araw din siyang nag-training doon to prepare for his role as Sep sa The Gift.

Ang The Gift ay napapanood gabi-gabi sa primetime after Beautiful Justice.

Tandem nina Gabbi at Gil tanggap!

Patok naman sa netizens gabi-gabi ang Kapuso tandem nina Gabbi Garcia at Gil Cuerva sa Beautiful Justice. Maraming kinikilig sa kanilang tambalan bilang sina Brie at Vin respectively. To think na ang talagang boyfriend ni Brie sa story ay si Lance (Derrick Monasterio). Pero nawala sa eksena si Lance na nakuha ng sindikato, kaya sa paghanap ng justice nina Brie, Alice (Yasmien Kurdi), Kitkat (Bea Binene) at Vin, nagkahulihan ng loob sina Brie at Vin.

“Nagulat din po ako nang malaman kong may Team Vin kami sa social media ni Gil at mayroon na ring Team Lance ngayong bumalik na ang character ni Derrick,” sabi ni Gabbi. “That is why Direk Mark Reyes has been doing a lot of adjustments para maibigay namin ang gusto ng mga televiewers. Ang saya po namin while reading the reactions of the viewers online at masaya rin kami na nabibigyan namin sila ng good show na gusto nila.”

Pero marami ring nagsasabing mas gusto nila ang Team Vin dahil sweet at very caring nito kay Brie, samantalang si Lance ay arogante at hindi magandang kaibigan kay Vin. Mas marami pang pasabog ang Beautiful Justice na napapanood after 24 Oras.

Show comments