CarMaine lawit ang dila sa promo

Kayod sa promotions sina Carlo Aquino at Maine Mendoza kahapon para sa movie nilang Isa Pa With Feelings.

Aba, mula tanghali hanggang gabi eh ratsada silang dalawa na nagsimula sa Eat Bulaga sa tanghali.

Kasunod nito ang mall shows sa SM Sucat ng 4PM; Southwoods Biñan, 6PM at Ayala Malls Bay Area ng 8pm, huh!

Naku, lawit ang dila ng dalawa pagkatapos ng ngaragang schedules na ‘yan. Ubos pa ang energy sa taong makakasalamuha nila.

Teka, parang hindi namin nakita ang ganyang schedules kina Kathryn Bernardo at Alden Ri­chards sa promotions ng movie nilang Hello, Love, Goodbye pero highest local grossing movie to date, huh!

In fairness naman sa team up ng CarMaine, suportado sila ng deaf community na bagong market na na-target nila at may schedules na rin ng international screenings, huh!

Darren pina-follow din ni Justin Bieber

Aba, hindi lang pala si Sue Ramirez ang pina-follow sa social media ng foreign singer na si Justin Bieber. Pati nga ang singer na si Darren Espanto ay nakitang naka-follow sa kanya si Bieber sa Twitter.

Gulat siyempre si Darren sa pag-follow sa kanya ng international singer.

Pero teka, nabuking yata na poser lang ni Sue ang na-follow ni Justin, huh!

Kaloka talaga ngayon sa socmedia dahil ang hirap nang malaman kung totoo o poser ang followers ninyo, huh!

Show comments