Heart nag-’fail’ ang pa-birthday kay Chiz

Chiz, Heart

Epic fail ang kandila sa isang maliit na birthday cake ni Gov. Chiz Escudero dahil namatay agad ito. Ipinakita ni Heart Evangelista sa Instagram stories niya ang pag-blow ng cake ng asawa at ayon sa caption niya, “Sorry my candle failed. Ok lang but basta our love won’t. Hahaha!”

Close friends ang kasama nina Gov. Chiz at Heart sa tila sa okasyon na tila salubong sa kaarawan ng dating senador na ngayon ay gobernador na.

Sa kanyang IG naman, espesyal na mensahe ang inilabas ng TV host-actress. Bahagi nito ang, “You heart, is what makes me fall in love with you every single day.

“I am so blessed to call you my husband and I am so grateful to be able to share this life with you. You deserve nothing but the best in this life, I love you beyond words,” caption ni Heart.

Inilabas din ni Mrs. Escudero ang picture ng asawa nu’ng binatilyo pa ito at ang mga nakaraan nilang bonding sa abroad hanggang sa ilalim ng dagat , huh!

Marian nag-promise na gagawa sila ng serye ni Dong

Nagbubunying muli ang fans ni Ma­rian Rivera dahil muling  masisilayan   ang ganda niya simula ngayong Linggo sa Sunday Pinasaya.

Isa na lang ang hinihintay ng fans nila ni Dingdong Dantes at ‘yun ay ang pagsasama nila sa isang Kapuso series.

“Unti-unti muna. Ayoko munang mag-overload ng trabaho,” rason ni Yan.

Marami nga ang nag-asam na siya ang makukuha bilang Dr. Maxine de la Cruz sa Philippine TV adaptation ng Descendants of the Sun. Pero si Jennylyn Mercado ang napili pero walang isyu kay Marian ang pagkakapili kay Jen.

“Bagay si Jen doon. Kinukuwento na sa ‘kin ni Dong yan.

“Pero huwag mag-alala ang aming fans dahil gagawa rin kami ng series at sisiguruhin naming magkasama kami.

“Saka si Jen, may nagawa nang Korean series, ‘di ba? Walang problema sa akin ‘yon,” diin ng GMA Primetime Queen.

Show comments