Marian Rivera
Marian sinagot ang bantang pambo-boycott ng DongYan fans sa Descendants......
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - October 10, 2019 - 12:00am

Laging masayang kausap si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Isa siya sa mga artistang isang tanong mo lang ay marami na agad siyang sagot, kaya enjoy ang entertainment press at bloggers nang makausap siya after ng launch niya as the first celebrity endorser ng W Mall (Walter Mart) sa Macapagal Avenue, Pasay City last Tuesday, October 8.

Agad hiningan ng comment si Marian sa balitang ibo-boycott daw ng DongYan  fans nila ng asawang si Dingdong Dantes ang sinisimulan na nitong i-taping, ang Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants Of The Sun.“Hindi totoo iyon dahil hindi ganoon ang DongYans namin ni Dong,” sagot ni Marian. “Open-minded sila pagdating sa trabaho naming mag-asawa. Ilang beses na kaming gumawa ng projects na hindi kami ang magkatambal pero wala kang maririnig sa kanila. Hindi na namin matatawaran ang suporta nila sa aming mag-asawa, sa mga project namin, mapa-TV o movies, at ngayon sa mga anak na rin naming sina Zia at Ziggy. Kaya nga mahal na mahal namin sila at hindi namin sila itinuturing na fans kung hindi mga kaibigan na laging naroon para sa amin.

“Saka bago pa i-announce ng GMA Network na si Jennylyn (Mercado) ang gaganap na Dr. Maxine dela Cruz, sinabi na ni Dong sa akin, kaya kung natatandaan ninyo minsan na sabi ninyo dapat ako ang gumanap sa kanyang role, sagot ko, hindi ako, malay ninyo, may kinuha na ang GMA. Saka wala ring problema sa amin ni Jen, matagal na kaming magkaibigan at magkasama sa work at bagay sa kanya ang role. 

“Maganda rin kasi first time nilang magkakatrabaho sa isang TV series ni Dong, after nilang mag-host ng Starstruck. Saka si Jennylyn, nakagawa na rin ng Pinoy adaptation ng My Love From The Stars.”

Anyways sa pagiging celebrity endorser ni Marian ng W Mart, apat ang dahilan ni Marian nang tanggapin niyang maging endorser.

“Nang sabihin ni Ateng (her manager Rams David) na kinukuha ako ng Walter Mart, niyaya ko siya na mag-shopping kami sa isang branch nito. Ayaw ko kasi iyong ii-endorse ko pero hindi naman pala karapat-dapat. Pero iyon nga, nakita ko na okey ang service nila, nalaman ko rin na puwede kang mag-order online na bawas hassle dahil idi-deliver na sa iyo ang gusto mong bilhin. Nakita ko ring kumpleto ang mga item nila at very affordable ang prices. Ang dami rin nilang sale items na makaka-save ka.”

Ini-announce na rin ni Marian at ng may-ari ng W Mart na si Ms. Joann Co na magbubukas na rin sila ng kanilang 30th branch sa buong Luzon, sa Balanga, Bataan.

Back to work na rin si Marian sa noontime Sunday show nilang Sunday PinaSaya this Sunday, October 13.  At every Saturday, napapanood pa rin siya as host ng OFW drama anthology na Tadhana.

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with