Maja naging replacement lang kay Ellen!

Now it can be told that Maja Salvador was not the original choice to play the role of Camila dela Torre sa seryeng The Killer Bride.

They were really saying Ellen Adarna, who had no choice but to give up the series dahil nagkataong bagong panganak pa lamang siya noon sa panganay nila ni John Lloyd Cruz na si Elias.

Original choice si Geoff Eigenmann for the role he is playing in the Killer Bride.

Now the both of them are also in the iWant series, Hinahanap-Hanap Kita na kinunan ang kabuuan sa Dubai.

Kasalan sa showbiz sunud-sunod

At least tatlong engrandeng weddings ang magaganap within the year and early next year, Salve A., unless itutuloy ng kilalang direktor ang balak niyang pakasalan din ngayong 2019 ang kanyang fellow gender boyfriend.

In any case, let’s start with the couple Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, na kahit in March 2020 pa ang wedding ay pinaghahandaan na nila ito ng husto ngayon pa lang.

Tiyak na magiging wedding of the year ang event dahil obvious namang very popular si Ri­chard ngayon. No Kapamilya talent can boast dahil sa magkasabay na important projects ang kanyang gagawin.

One of which is the movie na pagsasamahan nila nina Angelica Panganiban at Bea Alonzo, at ang serye na pagsasama pa rin nila ng huli.

This is the first time ni Richard to work with both actresses.

First time rin niya na makatrabaho ang young actress na si Elisse Joson sa isang episode na ipapalabas sa Maalaala Mo Kaya sa darating na Sabado. Si Andoy Ranay ang direktor nito.

Samantala, if plans do not miscarry, sa Manila Cathedral naman magaganap ang pag-iisang dibdib nina Rodjun Cruz at Dianne Medina, with Fr. Reginald Malicden officia­ting.

Years na rin ang binilang ng relasyon ng dalawa, kaya sure na sure na sila na they are meant for each other.

As publicized, sa ibang bansa naman gaganapin ang kasal nina Cavite Vice Governor Jolo Revilla at ang girlfriend nitong si Angelica Alita.

It will happen daw December of this year.

Kilalang direktor kasado na ang kasal sa kabaro

Well, about naman sa reported plan ng pagpapakasal ng isang kilalang direktor sa partner nito, sa France raw ito magaganap.

Kung sabagay, hindi ito ang first time na may kasalang magaganap sa local showbiz between two persons of the same gender.

Open book, hindi lang actually sa showbiz, na kasal din sa ibang bansa sina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan who both owned the film firm, Idea First company.

Direk Jun was at the helm of the top grosser film na The Panti Sisters na entry sa katatapos lang na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019.

Starring sa nasabing pelikula sina Christian Bables, Paolo Ballesteros at Martin del Rosario. Co-producer nito ang Blacksheep Productions.

Kasamang aso ni Sarah parang tao

Of Direk Jun and Perci, they co-direct Unforget­table with Sarah Geronimo at ang asong si Milo.

Milo is a Jack Russell Terrier, which can follow daw instructions. Dahil sa kanyang talino, aakalain mong tao ito na nag-disguised lang na aso. Kaya tuwang-tuwa sa kanya, hindi lang si Sarah, kung hindi pati na rin ang iba pang artista na nasa set ka­tulad nina Regine Velasquez, Anne Curtis, Cherie Gil, Tirso Cruz III, Yayo Aguila, Ara Mina, Kim Molina, Meg Imperial at Gina Pareño.

Unforgettable is Sarah’s first movie after Miss Granny where she won a best actress trophy from the PMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards for Movies.

Show comments