Alexa naka-move on na sa ‘pananakit’ ni Nash!

Alexa Ilacad

Matapos mabuwag ang NLEX loveteam nila last year, going solo na ang career ngayon nina Nash Aguas and Alexa Ilacad.

Si Alexa ay napapanood ngayon sa The Killer Bride at may pelikula rin siya, ang Santigwar na binisita namin ang last shooting day last Tuesday sa Novaliches.

Masayang-masaya si Alexa na finally ay bida na rin siya sa isang pelikula. She’s the title role herself dahil siya ang Santigwar na pumapatay sa mga aswang.

Noong una raw na i-offer sa kanya ay nagdalawang isip siya na tanggapin dahil natakot siya at first dahil feeling niya ay hindi pa siya ready na magbida.

Pero naisip din niya na magandang opportunity ito for her and would be stupid kung hindi niya tatanggapin.

Syempre, napag-usapan si Nash at aniya ay okay naman daw sila kapag nagkikita, nagbabatian naman and very civil. Matatandaang hindi naging maganda ang paghihiwalay nila noon at ayon nga sa batang aktor nang makapanayam siya ay parang nag-grow-apart silang dalawa since mga bata pa sila nang nagsimula ang loveteam nila na tumagal din ng 5 years.

Of course, aware si Alexa na karelasyon na ni Nash ngayon si Mika dela Cruz at nilinaw naman niyang hindi ang Kapuso young actress ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. But she also stressed out na hindi naman official relationship ang namagitan sa kanila ni Nash noon.

“Parang MU. Wala lang kaming label. Hindi siya relationship, eh. Pero minahal namin ang isa’t isa, wow! Basta ‘yun. Parang 4 or 5 years din. Pero hindi naging official. Kasi ilang taon pa lang ako nu’n, wala pa akong 18,” aniya.

Hindi naman daw joke ang love na naramdaman nila at kung umabot lang sa tamang edad ay posibleng magtuluy-tuloy.

Hindi na raw siya na-surprise nang mabalitaan niya noon na nanliligaw na si Nash kay Mika after they broke-up dahil magkakasama naman sila sa Goin’ Bulilit at alam niyang kiddie lovebirds ang dalawa that time.

Ang isang bagay lang daw na medyo ikina-off niya ay nang makita niya ang isang post sa social media na hindi na niya matandaan kung si Mika or si Nash ang nag-post.

“Tapos, si Nash nag-comment ng parang ‘13 years and I still love you.’ So parang du’n ako medyo na… Eh sa loob ng 13 years na ‘yun, nandu’n ako. So, medyo na-ano lang ako nu’n,” pag-amin ni Alexa.

“Ayoko nang ma-hurt kasi it’s not my place anymore. Pero I would be lying if I said hindi ako napaisip na sabi ko, ‘may karapatan ba akong magalit?’ Kasi, ang weird, eh. Nandu’n ako, eh. So, ano ‘yun, joke?” sabi pa ni Alexa.

Pero tapos na naman daw ‘yun at okay na raw ‘yun. Basta sa ngayon ay naka-move on na raw siya at happy naman daw siya sa buhay niya. Wala raw siyang boyfriend at naka-focus daw muna siya sa kanyang career.

Showing na ang Santigwar sa Oct. 30 under Reality Entertainment. Kasama rin sa movie sina Marlo Mortel, Keann Johnson, Dan Fernandez at marami pang iba.

 Ritz hindi na NBSB?!

Mukhang hindi na NBSB (no boyfriend since birth) si Ritz Azul dahil mayroon nang special someone na nagpapasaya sa kanya ngayon. Non-showbiz ang guy although sey niya in her recent interview ay super best friends pa lang ang label nila pero mahahalata mo rin naman na may something special sa kanila base na rin sa mga statements niya.

“Sobrang understanding niya, sobrang supportive and sobrang friends friends kami, sobrang special,” sey niya sa panayam sa kanya ng press recently.

Sa ngayon daw kasi ay carreer muna talaga ang focus niya kaya nasa stage pa siya na non-commital dahil ang gusto raw ng papa niya, kapag nag-boyfriend siya ay ‘yun na talaga ang mapapangasawa.

Katatapos lang ni Ritz ng Los Bastardos at ngayong Sabado (Oct.5) ay sa episode ng Ipaglaban Mo naman siya mapapanood na may titulong Abogada kasama sina JC de Vera, Maxine Medina at Alex Castro mula sa direksyon ni FM Reyes.

Show comments