Ogie sumabak sa drama kahit masama ang pakiramdam

Ogie

May ilang tickets pa namang natitira sa Ogie and The Hurados concert ni Ogie Alcasid sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila on October 20, pero ngayon pa lang ay nag-announce na sila ng repeat at magaganap ‘yon sa November.

Hindi nga lang sure si Ogie kung lahat ng hurados ay puwede pa.

“Tsine-check pa lang ng producer kung sino ang mga puwede,” sabi niya.

Pero sa October 10 nga, makakasama ni Ogie sina Zsa Zsa Padilla, Randy Santiago, Karla Estrada, K Brosas, Karylle, Jed Madella at si Rey Valera.

Bale magge-guest din daw ang Top 3 sa Tawag Ng Tanghalan 2019.

Masama nga pala ang pakiramdam ni Ogie kahapon dahil na rin sa sunud-sunod ba trabaho.

Nag-taping din kasi siya ng ilang araw para sa Maalala Mo Kaya na ipapalabas na sa Saturday.

Kahit loaded ang kanyang schedule ay ginawa pa rin ‘yon ni Ogie dahil maganda naman talaga ang Boses At Kamay episode ng MMK.

Aba, Ateng Salve, ngayon pa nga lang ay marami na ang excited sa drama episode ni Ogie sa MMK, huh!

Ang bongga!

It’s Showtime may advocacy sa pagpoprotekta ng kapaligiran!

Hindi lang basta magpapasikat ang hosts ng It’s Showtime sa kanilang 10th anniversary. Ibabalik din nila ang ilang classic segments at ang maganda ay, “For its 10th year, ‘It’s Showtime’ is also pushing for environmental protection and conservation as it challenges the madlang people to support its advocacy project, whose details will be revealed soon.”

Ang bongga!

At least, may advocacy project din sila, huh!

Saka ang sabi pa ni Vice, magri-reach-out din sila sa viewers nila dahil sila mismo ang pupunta sa mga ito.

Abangan nga raw sa kanilang show ang mga detalye tungkol doon.

At hindi lang daw ngayong buwan ng October ang kanilang 10th anniversary surprises dahil buong isang taon itong magaganap.

Kapuso at Kapamilya nagsanib-puwersa dahil kina Carlo at Maine

Alam mo ba, Ateng Salve, naaliw ako sa presscon ng Isa Pa With Feelings movie nina Maine Mendoza at Carlo Aquino.

Paano, parang nagsanib ang mga taga-ABS-CBN at GMA-7 doon.

Nasa presscon kasi ang mga taga-APT Entertainment na identified sa Kapuso network at ang mga taga-Dos na namamahala sa Black Sheep.

Ang Black Sheep at APT Entertainment ang co-producers ng Isa Pa With Feelings na nagsu-shooting pa pala hanggang ngayon kahit showing na sila sa October 16.

‘Yun na!

Show comments