^

Pang Movies

Respeto naman daw… Anne bawal nang tanungin tungkol sa pagbubuntis

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Respeto naman daw� Anne bawal nang tanungin tungkol sa pagbubuntis

Natanong si Anne Curtis sa It’s Showtime 10th anniversary presscon kung kailan ba siya magbubuntis at ang sabi niya ay darating ‘yon in God’s time.

Sinabi rin ni Anne na in respect sa lahat ng mga babae ay hindi dapat tinatanong ang ganoon pati kung bakit wala pang baby o kung kailan magpapakasal dahil hindi naman natin alam ang pinagdadaanan ng mga babaeng katulad niya.

Anyway, hindi naman nagagalit si Anne sa entertainment press kapag natatanong ng ganoon, pero ayon nga, nagsabi na siya ng ganun kaya for sure sa mga susunod na interview niya ay baka hindi na nga siya matanong ng tungkol sa pagbubuntis.

Samantala, masaya si Anne na si Amy Perez at ang Bida Man winners ang makakasama niya sa Magpasikat anniversary segment ng It’s Showtime.

Si Vice Ganda naman daw ay solo sa main hosts, pero ang ilang Miss Q&A winners/runner-ups ay kasama raw nitong magpe-perform.

Sina Ryan Bang at Karylle naman daw ang magka-partner at kasama rin nila ang GT (da­ting GirlTrends).

Sina Jhong Hilario, Teddy Corpus at Jugs Jugueta naman ang magka-team at solo si Vhong Navarro dahil nasa Amerika si Mariel Rodriguez-Padilla (na ang alam ko ay sa bansang ‘yon manganganak).

Biniro ko nga pala si Vice na ina­abangan na umamin sila ng rumored-boyfriend niyang si Ion Perez sa 10th anniversary presentation nila, pero sinabing masaya na siya na mara­ming masaya sa pagiging masaya niya ngayon.

Hanggang kahapon nga sa presscon nila ay wala pa rin siyang derektang inamin tungkol sa kanila ni Ion.

Well...

Ryzza Mae ngayon palang nagkaka-kilay

From It’s Showtime, lipat naman tayo sa Eat Bulaga.

Hanggang ngayon pala ay wala pa ring monthly dalaw ang dating child wonder na si Ryzza Mae Dizon.

Delayed nga raw ang lahat kay Ryzza.

Actually, ngayon pa nga lang daw siya tinutubuan ng kilay.

Tungkol naman sa kanyang height, regular daw na ini-injection-an si Ryzza Mae para lumaki-laki ito.

Wow!

Raymart busy na uli

Alam mo, Ateng Salve, mukhang happy si Raymart Santiago na busy na naman siya sa kanyang career ngayon.

Part kasi siya ng new ABS-CBN series na Starla opposite Judy Ann Santos na magsisimula na sa Monday.

Nang makita ko nga sa Starla presscon si Raymart ay siya pa ang unang bumati at palagi siyang naka-smile.

Ang bongga!

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with