Ion gustong uriratin ng press!

Ion Perez

Ngayon ang press conference ng It’s Showtime para sa kanilang 10th anniversary.

Bale ang haharap sa entertainment press ay sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Amy Perez, Mariel Padilla, at Jugs & Teddy ayon sa imbitasyon na ipinadala ng mga taga-Corporate Communications ng ABS-CBN.

Hindi kasama si Ion Perez, ang rumored-boyfriend ni Vice?

Ang sarap sana kung kasama rin si Ion dahil magandang magkatabi sila ni Vice kapag tinanong sila tungkol sa sinasabing relasyon nila.

Malay natin, baka finally ay aminin na talaga nila ang relasyong marami sa mga close sa kanila ang nagsasabing totoo naman daw talaga, huh!

Ang bongga ni Vice!

Anyway, for sure mamaya ay ia-announce na kung sino ang magkaka-group sa Magpasikat segment nila ngayong 10th anniversary ng kanilang noontime show!

Maine kumpirmadong lilitaw sa Kapamilya shows

Kinumpirma ng isang taga-Black Sheep ng ABS-CBN ang guesting ni Maine Mendoza sa ilang shows ng Kapamilya network para sa promotions ng Isa Pa With Feelings movie.

“Various shows po,” sabi ng taga-AdProm na ka-text ko, pero hindi nilinaw kung ilang shows.

Ang mga fan ni Maine, super effort sa pag-i-schedule ng block screenings, pero sabi nila, wala naman daw pressure sa kanila na malampasan ng Isa Pa With Feelings ang kinita ng Hello, Love, Goodbye ni Alden Richards with Kathryn Bernardo.

Pero feeling ko naman ay magiging malakas din sa takilya ang pelikulang ito ni Maine with Carlo Aquino.

Mother Lily at Bisaya nagkasundo sa lechon

Naku, Ateng Salve, tiyak na matutuwa ang businesswoman/philanthropist na si Pinky To­biano kay Mother Lily Monteverde.

Isinusulong kasi ni Pinky at ng kanyang group ang pagkain ng lechon at iba pang pork dishes.

The other night kasi, super eat si Mother Lily ng lechon na ipinadala sa kanya nina Jun Nardo at Dondon Sermino.

Type na type pala ni Mother Lily ang kumain ng lechon, kaya naman magkasundo sila ni Annabelle Rama.

Actually nang sabihin ni Mother Lily na padating na ang padalang lechon sa kanya, pati si Bisaya ay nag-wait.

Parang takam na takam nga sila sa pagkain ng lechon, huh!

Eh, madalas namang mag-exercise si Mother Lily at alaga rin siya sa gamot at vitamins, kaya ok lang naman na kumain siya ng lechon.

Si Bisaya kaya, ok lang? Ang alam ko kasi ay binabawalan na siya ng kanyang mga anak na kumain ng lechon, pero makulit nga siya at kapag may lechon ay ayaw magpaawat, ‘noh?!

‘Yun na!

Show comments