Sharon at Gabby nag-duet!

Kinanta nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang isang awiting tila naging theme song ng kanilang loveteam noong araw, iyong Come What May.

Iyan ang madalas nilang kantahin noon sa GMA Supershow ni Kuya Germs, na actually unang ginamit noong nag-promo pa sila ng kanilang reunion movie noon, iyong Dapat Ka Bang Mahalin.

Hindi masasabing nagkataon lang ang performance na iyon, talagang kasali iyon sa sequence ng programa para sa teachers, dahil nakahanda ang banda para tugtugin ang kanta.

Noong nakaraang taon pa inaasahan na may gagawin silang number na magkasama, pero nag-perform sila nang kanya-kanyang number. Ngayon lang natuloy ang pagpe-perform nila na siyempre ikinatuwa naman ng fans.

Pero kahit na sabihin mong mainit ang pagtanggap sa arena ng kanilang number na iyon, ewan kung bakit hindi masyadong played up sa lehitimong media. Siguro nga kasi, alam naman nila na hindi na nga uso ang loveteam. Kung kagaya nang dati iyan, umagaw ng headlines iyan sa tabloids.

Pero ngayon nga, medyo bumaba na ang popularidad ni Sharon, at si Gabby naman bagama’t nakapag-rehistro ng mataas na TV ratings noong nakaraang taon, iyong huli niyang serye ay hindi nga nakaabante sa katapat na serye ni Angel Locsin. Iyon siguro ang dahilan kung bakit tila malamig pa rin ang salubong sa dapat sana ay mainit na balitang iyan.

Isa pa, ang Pilipino ay masyadong mahilig mag-expect. Kung loveteam, gusto nila ay yung magkakatuluyan. Kung hindi, wala rin iyan sa kanila.

Hanggang ngayon marami pa rin ang naniniwala na kung sina Sharon at Gabby ay pagtatambalin sa pelikula, kikita iyon nang malaki. Pero kung kami ang tatanungin, parang mas mabuti pang huwag na. Kikita pero tatalunin ba nila ang bagong record sa takilya ng mga pelikula ni Kathryn Bernardo?

Mas mabuting panatiliin na lang nilang isang legend ang kanilang love team.

Mayor Lani binonggahan ang pa-birthday kay Sen. Bong

“Malaki talaga ang paghahanda namin, pero kahit na si Bong (Revilla) walang alam. Kahit na anong tanong ang gawin niya sa akin, ang sinasabi ko busy ako dahil maraming trabaho sa city hall. Pero talagang malaking surprise iyan sa 25. Isipin naman ninyo, limang taon siyang walang birthday celebration. Apat na taon siya sa Crame. Doon siya nag-celebrate ng 50th. birthday niya. Gusto naman naming makabawi siya ngayon.

Basta sisiguruhin namin na iyong first celebration niya pagkatapos ng naging problema naming iyon ay maaalala niya buong buhay niya,” sabi ni Mayor Lani Mercado nang matanong tungkol sa balak nilang birthday celebration ni Senator Bong Revilla bukas.

Male star na dating cross dresser todo-tanggi pa rin sa tunay na kasarian

“Hindi ko na lang pinapansin,” sabi ng isang male star tungkol sa hindi matigil-tigil na tsismis na siya ay bading. “Alangan namang isakripisyo ko ang mga kaibigan ko dahil lang sa tsismis na hindi naman totoo. Dito sa atin basta may kaibigan kang good looking sasabihin agad bading ka”, sabi pa niya.

Pero hindi lang naman kasi iyon eh. May sinasabi pa ang mga dati niyang schoolmates na noong high school pa lamang sila ay cross dresser na ang male star. Pero choice niya iyon eh, kaya wala tayong pakialam sa kanya, huwag lang siyang makikipag-away sa CR.

Basta nagkaroon ng ganoong istorya, iyon ang the end na.

Show comments