US and Canada concert tour nina Sharon at Regine plantsado na
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - September 22, 2019 - 12:00am

Ang Megastar na si Sharon Cuneta sa It’s Showtime tomorrow.

Magpo-promote na si Sharon ng Iconic October 18 & 19 Araneta Coliseum concert nila ni Regine Velasquez-Alcasid dahil pupunta siya ng Amerika.

Babalik naman daw kaagad ang Megastar dahil magre-rehearse pa sila ng Asia’s Songbird.

Kapwa excited sina Sharon at Regine sa pagsasama nila sa Iconic.

May mga nagsa-suggest na magkaroon sila ng Iconic US and Canada tour.

Ang dinig ko, inaayos na raw ‘yon.

Aktor na kilalang pasaway noon wala nang makuhang trabaho ngayon?!

Magkaroon pa kaya ng project sa isang TV network ang aktor na ito na kilalang pasaway noong kasikatan niya?

Sa last series daw kasi ni aktor sa TV network, nainis sa kanya ang production staff at ini-report siya sa big bosses.

Aware raw kasi ang production staff sa cut-off time ni aktor, pero pinakiusapan siya na mag-extend dahil may important scene na kukunan na for airing the next day, pero hindi raw pumayag si aktor.

Talagang umalis daw ito.

Sabi ng production staff, maraming pagkakataon naman daw na sobrang agang natatapos si aktor sa taping at pinauuwi na siya kahit hindi pa cut-off time, pero minsang pinakiusapan lang siya ay hindi pa niya pinagbigyan.

After that series nga, dedma na sa kanya ang TV network.

Well...

Glydel kinuha ng Dos para sa KG

Kung si Tonton Gutierrez ay nasa GMA-7 ngayon, ang misis niyang si Glydel Mercado ay nasa ABS-CBN naman ngayon dahil kinuha sa Kadenang Ginto.

Hindi naman kasi exclusive sa Kapuso network si Glydel, kaya after ng last show niya roon ay nag-offer ang Dos, kaya nasa Kapamilya network naman siya.

Ang dinig ko ay hanggang next year pa ang Kadenang Ginto, kaya mukhang magtatagal doon si Glydel.

 

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with