Los Bastados malabo pa uling magkasama-sama

Los Bastardos

Sa presson ng pasasalamat ng cast at production staff ng hanggang ngayon ay trending series na Los Bastardos na magtatapos na in two weeks, somehow ay inamin ng Miss International 2016 na si Kylie Verzosa na medyo selosa siya.

Idinenay naman niya na dinuraan niya si Maxine Medina dahil nagselos siya kay Maxine dahil sa matitinding eksena nito kasama si Jake Cuenca na boyfriend niya. Napadura raw siya dahil nadala siya ng kanyang kontrabida character.

All these are now water under the bridge since nag-sorry na si Kylie kay Maxine.

Of Kylie and Maxine, they are just two of the beauty queens na featured sa Los Bastardos dahil nasa serye rin ang unang Miss Universe na si Gloria Diaz (circa 1969).

Ganun din si Jean Saburit na dating Miss Young Philippines.

Si Maxine ay ang ating representative nang ganapin dito sa Pilipinas three years ago ang Miss Universe pageant.

Samantala, on the part of young actors na gumaganap na Los Bastardo na sina Jake, Marco Gumabao, Joseph Marco, Joshua Colet at Albie Casiño, lahat daw sila ay nalulungkot dahil maghihiwalay daw sila. Kakaibang closeness daw ang namagitan sa kanila habang ginagawa ang teleserye. Pakiwari nila, tunay nilang ama si Ronaldo Valdez na siyang gumaganap na ama ng Los Bastardos.

Wish daw nilang lahat ay magkatrabahong muli sila sa isang project which wouldn’t happen soon, we all know.

Sa ngayon kasi, under contract pa si Marco sa Viva Films. May kanya-kanya ring bagong assignment sina Jake at Albie.

Kasama si Jake sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 entry ni Vice Ganda. Gumaganap din na young Philip Salvador si Albie sa pelikulang Isa Pang Bahaghari na pagsasamahan ni Philip at Nora Aunor.

Bagong leading lady ni Gerald sa serye inaabangan

Walang ka-date si Gerald Anderson sa katatapos na star-studded na ABS-CBN Ball bagama’t nandun sina Bea Alonzo at Julia Barretto, na parehong escortless din.

Gerald, though, didn’t come alone. Kasama niya sina Nash Aguas, Elmo Magalona at Yves Flores, mga co-star niya sa kanyang upcoming action series. Plus Jerome Ponce.

Wala pang balita kung sinong magiging leading-lady niya sa series.

Well, ito ang dapat nating abangan, since tiyak, kahit, gustuhin mang isama sa cast si Janella Salvador, ‘di rin pupuwede. ‘Di lang dahil busy ito with the series, The Killer Bride, kung hindi dahil may matindi ring ‘di pagkakaunawaang namamagitan sa kanila ni Elmo.

Elmo at Julia may bagong pamangkin

Speaking of Elmo, uncle na ulit siya ng bagong silang na anak na lalaki ng kanyang nakatatandang kapatid na babae na si Saab.

Second boy na ito nina Saab at ng asawang si Jim Bacarro.

Sa kaso ni Julia Barretto, babae ang bagong silang na first baby ng kanyang kapatid na si Dani, which excites their family daw, especially her mom, Marjorie Barretto.

Barrettong-Barretto raw ang dating ng bata. Kaya, puwedeng mag-artista balang araw.

Si Xavi Panlilio ang father ng anak ni Dani.

Serye ni Juday, trending agad

Mabuti naman at nagiging aktibong muli sa pag-aartista ang kapatid ni Judy Ann Santos na si Jeffrey Santos.

Kasama siya sa cast ng magtatapos na series na Los Bastardos.

In his younger years, Jeffrey was a most promi­sing talent ng Regal Films.

Matagal ding huling napanood si Jeffrey sa small screen, kaya, hoping daw siyang magkaroon kaagad ng kasunod na assignment itong Los Bastardos.

Samantala, Judy’s Ann’s upcoming series, Starla, ay nagte-trending na matapos maipalabas ang teaser nito two days ago.

Ms. Charo Santos Concio plays a special role. Samantala, isa sa mga leading men ni Judy Ann si Raymart Santiago.

Show comments