Kris Aquino
4 months nang di nagkikita, Kris aminadong may gap sa kapatid!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - September 17, 2019 - 12:00am

Nagsalita na si Kris Aquino hinggil sa relocation ng estatwa ng ama niyang si yumaong Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. na dating nakalagay sa kanto ng Timog and Quezon Avenues.

Naging kontrobersyal ang nasabing relocation dahil magkaiba ng gusto sina Kris at ang kapatid nitong si former President Noynoy Aquino kung saan ire-relocate ang statue ng ama.

Kaya naman sa kanyang Instagram account ay nagbigay na si Kris ng kanyang pahayag tungkol dito.

 Aniya, hindi raw naging issue sa fami­ly nila kung saan ire-relocate ang statue bagama’t magkaiba nga sila ng option ng kapatid.

“To clarify HINDI po naging issue sa family where our his statue would be relocated.

“Ate had messaged all of us after Mayor Joy Belmonte had communicated with her that MMDA had requested a change of venue. 2 options were given, Parks & Wildlife or the area near Trinoma/Vertis North where @iloveayalamalls is doing a lot of expansions.

“Hindi po issue na Noy chose DENR’s Parks & Wildlife and i wanted the mall development area... obvious naman na magkaiba talaga kami, and clear din na we practice freedom of choice in our family.

“My vote had gone to the area nearer malls because i had felt mas mataas ang “foot traffic” and more of our youth would see my dad’s likeness on a regular basis and maybe have some curiosity about Ninoy Aquino & his contribution to Philippine democracy as we know it today.

“Hindi naman secret sa inyo, rebuilding our relationship as brother and sister remains a work in progress for us BUT hindi ibig sabihin na wala na kong pagmamahal at respeto sa “kuya” ko na naging napaka mahalagang bahagi ng magandang pagpapalaki ko kay kuya josh,” ang paliwanag ni Kris.

Ipinahayag din niyang wala raw makukuhang issue ang mga gustong gawing teleserye ang buhay ng kanilang pamilya.

“So kung trip nyong gawing teleserye ang buhay pamilya namin, ma bo-bored lang kayo kasi walang matinding di pagkakaunawaan na nagaganap. Hindi ko rin kayo pa-plastikin at sasabihan na very close kami, we’re not- last time kaming nagkita was more than 4 months ago,” ani Kris.

Tekla may pressure sa unang pelikula

Masayang-masaya ang Kapuso stand-up comedian na si Super Tekla na finally ay may sarili na siyang pelikula. He’s starring in Kiko En Lala kung saan ay ginagampanan niya ang role na kambal (Kiko and Lala) na ang isa ay lalaki at ang isa naman ay bading.

“Sobrang proud, sobrang pressured, ang tindi ng pressure talaga. Parang kung baga, naka-mindset ako na everytime na gagawin (ang mga eksena), kailangang pupulidohin ko, I (had to) give my 100 percent na galing sa pagpapatawa,” pahayag ng komedyante.

Showing na sa Sept. 25 ang Kiko En Lala under Backyard Productions mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr. Kasama niya rito si Jo Berry, Divine Tetay, Kim Domingo, Derrick Monasterio and AiAi delas Alas in a special participation.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with