Richard , Sarah
Richard at Sarah Couple of the Night ng ABS-CBN Ball
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - September 16, 2019 - 12:00am

Sina Richard Gutierrez at Bea Alonzo ang tinanghal na Metro’s Best Dressed Male and Female Stars sa ABS-CBN Ball 2019 na ginanap sa Shangri-La The Fort noong Saturday night.

Tamang-tama na magkapareha ang dalawa sa isang bagong teleserye ng ABS-CBN, pati sa isang pelikula ng Star Cinema.

Si Richard at ang fiancé naman niya na si Sarah Lahbati ang tinanghal na couple of the night sa nasabing event ng Kapamilya network.

Ang ganda ni Sarah sa kanyang off-shoulders white modern Filipiniana at napakaguwapo ni Richard sa kanyang suot na barong.

“Lovely couple” ang description ng marami kina Richard at Sarah sa ABS-CBN Ball 2019.

Malia ni Pokwang umawra rin na naka-Filipiniana

Ang cute ni Malia O’Brian sa kanyang modern Filipiniana gown sa ABS-CBN Ball 2019.

Hindi na nakarampa sa red carpet si Malia dahil inantok na raw ito sabi ng nanay na si Pokwang.

Ipinost na lang ni Pokwang sa kanyang Instagram account ang video ni Malia habang naglalakad sa labas ng hotel room.

Actually, marami ang natutuwa sa mga video ni Malia na ipino-post ni Pokwang sa IG.

Marami ang nagsasabing pampa-good vibe ang mga ‘yon.

Mukhang mag-aartista rin si Malia!

Jennylyn likas na mabait

Sabi ni Direk Rechie del Carmen, mami-miss niya si Jennylyn Mercado na artista niya sa Love You Two, ang GMA 7 series na nag-end na noong Friday.

Sobrang bait daw kasi ni Jennylyn.

Wala raw kaartehan ang aktres at sobrang sweet sa mga kasamahan.

In fairness to Jennylyn, pati sa entertainment press ay sobrang bait din niya.

Kapag nakikita ko nga si Jennylyn, talagang una siyang bumabati at talagang mahilig siyang tumawag ng kuya o ate.

RICHARD GUTIERREZ SARAH LAHBATI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with