^

Pang Movies

Janine napansin sa New York Fashion Week!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Janine napansin sa New York Fashion Week!

Hindi dinedma ang ganda ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez sa naganap na 2019 New York Fashion Week.

Ang international media company na B­uzzfeed ang nakapansin sa make-up at ayos ng buhok ni Janine.

Ayon sa Buzzfeed, naging paborito nila ang “pink winged liner and perfect ponytail” ni Janine. Isa nga ito sa naging favorite looks during the New York Fashion Week.

Pinost ni Janine ang look niya via Instagram: “pink ranger but make it fashion” #TRESProColorSeries keeping my hair color on point @antheabueno @hairbymarkbaquiran @mjbenitez”

Bagay si Janine sa New York dahil papasa itong modelo roon. Kaya hindi nakakapagtaka na mapansin siya roon ng foreign media.

Kung tutuusin, puwedeng sumubok na maging model si Janine sa NYC basta may mahusay itong agent doon.

Sa pagkakaalam namin, noon pa gustong kunin si Janine para maging kandidata sa Miss World Philippines noong hawak pa ito ni Cory Quirino. Pero mas pinili ni Janine ang mag-artista noong makapagtapos na ito ng college.

Magti-30 na si Janine this year, sana di pa huli ang lahat para subukan niya ang maging international model.

kinukurot-kurot pa ang sarili,

JO ‘di makapaniwala sa career

Thankful ang little person na si Jo Berry sa magagandang opportunity na binigay ng Kapuso network sa tulad niya.

Naging breakout star nga siya via the teleserye Onanay at sumunod na ang The Gift. Napapanood din si Jo sa comedy anthology na Dear Uge at kasama rin siya sa launching film ni Super Tekla na Kiko En Lala na ipapalabas na sa September 25.

Hindi nga inakala ni Jo na puwede pala siyang maging artista at makatrabaho ang mga hinahangaan niyang mga artista noon.

“Hindi po matatapos ang pasasalamat ko sa GMA-7. Dahil po sa kanila, ang isang pangarap lang noon ay naging totoo.

“Sino ba naman po ang makakapagsabi na makakatrabaho ko sa isang TV show sina Ms. Nora Aunor, Ms. Cherie Gil at yung madirek ka ni Ms. Gina Alajar.

“Ngayon po, katrabaho ko na sina Ms. Elizabeth Oropesa, Ms. Jean Garcia, Ms. Luz Valdez at siyempre, si Alden Richards sa The Gift. Tapos si Ms. Eugene Domingo sa Dear Uge.

“Hanggang ngayon po, pakiramdam ko ay nananaginip pa rin ako. Kinukurot ko po ang sarili ko at baka ilusyon lang lahat ito.

“Pero totoo po lahat kaya gabi-gabi akong nagdarasal at nagpapasalamat kay Lord sa mga pambihirang blessing na dumating sa akin at sa pamilya ko,” pagtatapos pa ni Jo Berry.

Yuki Sakamoto nabago ng It’s Showtime ang buhay

Malaki na ang nabago sa buhay ni Yuki Sakamoto dahil sa pagsali niya sa Bida Man ng It’s Showtime.

Umabot kasi siya sa Top 6 kaya regular siyang mapapanood sa It’s Showtime at may gagawin na rin siyang teleserye sa ABS-CBN 2.

Contract artist si Yuki ng Viva Artist Agency at Mercator kaya di raw siya pumirma ng kontrata with Star Magic.

“Dalawa na po ang may hawak sa akin. Happy po ako with VAA at Mercator. Pero maraming projects akong gagawin with ABS-CBN 2 kahit wala akong kontrata with them,” sey ni Yuki.

Kailan lang ay ni-relaunch sa Cove Manila ang album niya with Yheen Valero na Yhenn & Yuki.

Matutupad na rin ang isang dream ni Yuki na makilala niya ang biological father niya na isang Japanese.

During the Bida Man contest daw, hindi ma-locate kung saan ang father niya sa Japan. Yung binigay daw na address sa kanya ng isang relative, hindi na raw doon nakatira ang father niya.

“Pero may isang tao na nagsabi sa akin na kilala niya ang father ko at alam niya kung saan ito nakatira ngayon sa Japan. So pupuntahan namin siya very soon,” pagtatapos ni Yuki.

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with