Inigo isinakripisyo si Maris

Hindi naman natin masisisi si Inigo Pascual kung mas pinili niyang pagandahin ang kanyang karera kesa sa kanyang lovelife. Baka nga naman kapag nagkamali siya at mas piliin ang relasyon nila ni Maris Racal ay hindi na bumalik ang mga magagandang tsansa na tinatanggap niya ngayon gaya ng pagkakataon na makagawa ng recording sa ibang bansa. 

Nakakalungkot lamang para kay Maris na ang kanilang relasyon pa ang kailangang maisakripisyo. Ganunpaman, na-appreciate naman niya ang pagiging honest ni Inigo.

Anne at Jasmine suwerte sa lalaki

Masayang-masaya ang magkapatid na Anne at Jasmine Curtis Smith sa kani-kanilang lovelife, naging matagumpay sila sa pagpili ng mga lalaking pagsasanlaan ng kanilang mga puso.

Walang pressure, not even to Anne who continues to accept daring roles even after her marriage to entrepreneur Erwan Heussaff, samantalang successful naman ang business nina Jeff Ortega at Jasmine.

Vice Gov. Imelda Papin nagpauwi ng mga babaeng naloko ng illegal recruiters

Napakasuwerte rin ng apat na kababaihang napauwi sa Pilipinas ni Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin na nabiktima ng mga illegal recruiter at ilang ulit na ibinenta sa iba’t ibang amo nang hindi mag-materialize ang mga trabahong ipinangako sa kanila. 

Mga bata pa at may mga hitsura ang apat na babaeng biktima.

Samantala, mag-iimbita si Papin para ipamalita ang kanyang 45th anniversary concert na gaganapin sa The Philippine Arena sa October 26. 

More on this sa susunod kong column.

Manay Letty naka-recover na

Nice to know that our colleague Letty Celi from PMPC (Philippine Movie Press Club) is on the road to recovery. Makakakuwi na siya permanently sa kanyang bahay sa Sta. Rosa, Laguna matapos ang ilang buwang pananatili sa Childhaus na kung saan ginamot siya sa kanyang malubhang karamdaman nang wala siyang binabayaran. Ang mabuting rekomendasyon lamang ng pilantropo at salon magnate na si Ricky Reyes ang tanging pinanghawakan niya para mabalik ang kanyang kalusugan. 

Nakatira si Manay Letty sa Childhaus na ipinatayo ni Hans Sy para sa pangangailangan ng mga batang may kanser, para hindi na rin sila magpabalik-balik ng probinsiya at Maynila para sa gamutan. 

Manay Letty has successfully undergone her series of medications and medical procedures and enjoyed the help of her friends from the PMPC, movie producers and stars, political friends at maging sa mga taong hindi pa niya nakikilala at kaibigan lamang ng friends niya. 

She should thank God for people like them. Lalo na ikaw, Mother Ricky na nag-imbita ng friends ni Manay Letty para makita ang medical progress nito.

Show comments