Kylie Padilla
Habang naghihintay manganak Kylie abala sa ukay-ukay!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - September 7, 2019 - 12:23am

Habang naghihintay manganak, ukay-ukay muna ang niraraket ni Kylie Padilla. Pero sa social media.

Binibenta ng Kapuso actress ang mga ‘used’ niyang kagamitan na siya mismo ang nag-aayos para sa delivery ng mga ito.

“I knew it would difficult to start something like this but I am enjoying the process. Even Alas (anak nila ng mister na si Aljur Abrenica) and I find time to bond while I wrap and prepare orders. I’m discovering a different side of myself and am looking forward to future projects like this one,” sabi niya sa mga ukay-ukay na binibenta mula sa mga damit, sapatos, shades, hanggang sa mga libro.

Dahil ukay-ukay, super cheap lang ang mga halaga nito kaya mabilis ma-afford ng kanyang followers.

Magandang idea actually. Imagine para ka na ring nag-Marie Condo, kumita ka pa.

Anyway, maalalang nagkaroon ng kuwento na si Kylie sana ang tina-target ng GMA 7 na maging leading lady ni Dingdong Dantes sa Descendants of the Sun pero ayun nga nabuntis sa second baby nila ni Aljur.

Nicki Minaj, nag-retiro na rin

Parang uso ngayon ang retirement.

Kahapon ay maraming ginulat ang international singer na si Nicki Minaj na nag-decision nang magretiro para sa kanyang pamilya.

“I’ve decided to retire & have my family. I know you guys are happy now. To my fans, keep reppin me, do it til da death of me, in the box- cuz ain’t nobody checkin me. Love you for LIFE,” tweet nito kahapon.

Kaya naman todo ang pagluluksa ng kanyang fans.Pero siniguro naman ng singer na mahal pa rin  niya ang mga ito.

“I’m still right here. Still madly in love with you guys & you know that. In hindsight, this should’ve been a Queen Radio discussion & it will be. I promise u guys will be happy. No guests, just us talking about everything. The tweet was abrupt & insensitive, I apologize babe .” Ang   Queen Radio ay kanyang radio show.

Kasama sa mga pinasikat niyang kanta ang Bang Bang, Swalla, Starships at marami pang iba. 

Ayon sa report ng CNN.com, nag-apply ng marriage license ang singer at boyfriend nitong si Kenneth Perry “and would be wed in “about 80 days”.

Dito sa atin, common knowledge ang semi-retirement ni Ms. Sharon Cuneta.

KYLIE PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with