_pang-masa
^
Vilma hindi na maisingit ang pelikula!
Vilma Santos

Vilma hindi na maisingit ang pelikula!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - August 28, 2019 - 12:00am

Ilang buwan na lang ang natitira sa taong ito, at sinasabi nga ng fans ni Congresswoman Vilma Santos na siguro hindi na nga siya magkakaroon ng pelikula ngayong 2019 kagaya ng kanyang naipangako. Kasi kung may tanggapin man siyang pelikula ngayon at masimulan man, hindi na rin matatapos before the year ends.

Hindi naman kasi si Ate Vi ‘yung tumatanggap ng pelikulang indie na tatapusin lamang sa loob ng apat hanggang limang araw.

Ang nakadagdag naman kasi sa trabaho ngayon ni Ate Vi ay ang mga caucus kasama ng iba pang congressmen, kasi nga marami ring ikinokunsulta sa kanya bilang isang deputy speaker. Hindi naman hiningi ni Ate Vi ang nasabing posisyon, pero ibinigay nga sa kanya sa paniniwala ng mga kasamahan niya na marami siyang maipagre-reconcile sa mga panukalang batas kung siya ay mamamagitan sa mga kasama niya.

Aminado siyang nangangapa pa siya sa mga bagay na iyan. Hindi ‘yan gaya lang ng pagiging isang committee chairman na naka-focus ka lang sa mga project na nasa ilalim ng committee mo. Sa kaso niya ngayon maraming mga panukalang batas ng iba ang mas kailangan niyang basahing mabuti.

Pero kung si Ate Vi ang tatanungin, hindi naman masasabing wala na siyang pag-asang makagawa ng pelikula. Inaamin naman niya na sa ngayon namimili pa siya ng projects. Kung may darating na project na talagang maganda, na talagang siguradong gusto niya, sinasabi nga niyang talagang gagawan niya ng paraan para magawa ang pelikula.

Sa ngayon, baka nga hindi niya nakikitang challenging enough ang projects na iniharap sa kanya kaya inuuna muna niya ang kanyang tungkulin sa gobyerno.

Daniel magso-solo rin muna sa pelikula

Happy raw talaga si Daniel Padilla sa success sa box-office ng pelikula ng kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo. Maliwanag nga ngayon na hindi totoo ang sinasabi ng iba noon na nakasandal lamang si Kathryn sa kanilang loveteam. Ngayon kumita ang pelikula ni Kathryn kahit na hindi loveteam ang bida sa pelikula.

Isa pa, aware naman si Daniel sa naging hirap ng kanyang girlfriend habang ginagawa pa lamang ang pelikulang iyan, at kaya naman nakabawi siya dahil sa magandang naging pagtanggap ng mga tao sa kanyang pelikulang pinaghirapan.

Si Daniel naman ay naghahanda na rin sa sarili niyang pelikula. Mukhang hindi muna sila ni Kathryn ang magkakatambal.

Aktor hitsurang bituing walang ningning na

Marami ang nanghihinayang sa isang male star na dati kahit na papaano ay hindi naman nawawalan ng assignment, nang minsang makita siya sa isang showbiz event. Kasi nga para na siyang bituing walang ningning ngayon dahil sunud-sunod siyang flops, at ngayon nga ay walang nakatakdang gawing pelikula at ni wala ring TV show.

Sabi nga nila, ang talagang nakasira sa kanya ay ang mali niyang diskarte sa takbo ng kanyang career. Nabagalan siya sa dati niyang managers, ngayon mukhang pabagsak pa siya.

May ilan kasing artista na maganda na ang katayuan hindi pa makuntento eh.

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with