Julia nasa healing at moving forward process na

Sa bagong panayam ni Julia Barretto with ABS-CBN’s showbiz correspondent, MJ Felipe, nilinaw ng young actress na hindi niya boyfriend si Gerald Anderson kaya wala raw siyang inagawan.

“Hindi ko siya naging boyfriend and hindi ko siya boyfriend ngayon. Therefore, wala akong inagawan ng boyfriend, wala akong inahas at wala rin akong nilandi,” diretsong paglilinaw ni Julia.

When asked kung niligawan ba siya, she answered, “hindi ako nililigawan.”

Natanong din siya kung ano ba talaga ang na­ging dahilan ng hiwalayan nila ni Joshua Garcia at ayon sa young actress ay hindi third party.

“Definitely, hindi third party, definitely hindi siya (Gerald), walang ibang taong naging dahilan ng break-up namin ni Joshua. It’s always been our issues.”

Nang matanong naman kung kumusta na siya, ani Julia, sa ngayon daw ay nasa proseso siya ng healing and moving forward mula sa lahat ng nangyari.

“Hindi biro ‘yung pinagdadaanan naming lahat. Ayokong iangkin ‘yung mga nangyayari. Lahat kami, nasasaktan. She’s hurting, he’s hurting but so am I. I’m really in so much pain right now.

“But kailangang magpakatatag, eh. We have to get back on our feet and move forward and heal from this sana.

“Wala kaming choice. We just have to respect each other’s pain. Everyone is hurting. Hindi madali ‘yung pinagdadanan naming tatlo,” pahayag ni Julia.

Jennylyn abala na rin sa pagiging vlogger

Nag-hit agad ang YouTube vlog ni Jennylyn Mercado kung saan ay nilalagyan niya ng tattoo ang boyfriend na si Dennis Trillo. Simula nang i-upload niya ito noong Aug. 20, as of yesterday ay nasa mahigit 300 thousand na ang views nito.

Makikita sa video ang kumpletong proseso ng paglalagay ng tattoo ng bida ng seryeng Love You Two kay Dennis at tawa kami nang tawa sa reaksyon ng aktor na kahit napapangiwi na minsan sa sakit ay nakangiti pa ri’t hindi pinapakita sa girlfriend na nasasaktan siya.

Sa video ay nakita rin kung gaano ka-supportive talaga si Dennis sa mga gustong gawin ng girlfriend. Walang mahanap si Jen na taong puwede niyang lagyan ng tattoo kaya siya na lang ang nagprisinta. To think na ang dami na niyang tattoo.

Kapag tinatanong ni Jen kung “masakit ba, love?” ay panay naman ang sagot niya ng “hindi naman” though alam naman nating masakit talagang magpalagay ng tattoo.

Pero nakakatuwa rin naman ang sweetness at paglalambing ni Jen sa boyfriend habang nilalagyan niya ito ng tattoo na may pahalik-halik pa at panay ang tawag ng “love” at “baby” kay Dennis.

Anyway, mukhang nage-enjoy talaga si Jen sa kanyang bagong career bilang vlogger at talagang pinaglalaanan niya ng oras kahit abala siya sa taping ng serye niyang Love You Two with Gabby Concepcion na napapanood sa primetime slot ng GMA-7. Bukod dito ay may pelikula rin siya with Coco Martin na to be announced pa ang playdate.

Show comments