John Lloyd Cruz, Bea Alonzo
Second chance para kina John Lloyd at Bea lang, never kay Sanchez!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - August 23, 2019 - 12:00am

Sigaw ng bayan...

Trending kahapon ang #NoToSanchezRelease.

Pumalag nga ang bayan sa sinabi ng Department of Justice at Sen. Bato na malamang bigyan ng second chance ang dating mayor ng Calauan, Laguna na si Antonio Sanchez, convicted sa kasong rape and murder dahil sa panggagahasa at pagpatay sa mga estudyante ng UP Los Baños na sina Eileen Sarmenta and Allan Gomez noong 1993.

Buwelta ng netizens, sina John Lloyd Cruz and Bea Alonzo lang ang may karapatan sa ‘second chance’ na title ng hit movie nila noong 2015.

Anyway, naging pelikula na ang buhay ni Sanchez na pinagbidahan nina Sunshine Cruz and Dick Israel at maging si Sunshine ay umalma sa planong pagpapalaya sana rito.

“I played Eileen Sarmenta in a movie I did before under Regal/Golden Lions. Kuya Dick Israel played the Mayor convicted of rape and murder. I remember being so scared of Kuya Dick Israel dahil sobrang galing umarte. Sobrang realistic that it was really scary.

“To those people saying that Sanchez deserves to be freed, think twice.. If something like that happens to one of your relatives or daughters, I am sure hindi nyo yan sasabihin. Nakakatakot malamang may ganyang klase ng tao na never nagkaron ng remorse na maaaring malayang makakagalaw. I feel for Eileen’s mom and family,” post ni Sunshine kahapon.

Gretchen hindi umepekto, SOGIE butata kay Tito Sen

No chance sa Senate ang SOGIE, ayon mismo kay Senate President Tito Sotto.

Ang pagpasa ng SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity and Expression) ang isinigaw ng marami sa naging karanasan ng transgender woman na si Gretchen Diez na pinalayas at ikinulong pa matapos subukang gumamit ng comfort room na pang-babae sa isang mall sa QC kamakailan.

Sabi sa interview ni Tito Sen. kahapon, “Anti-discrimination on persons puwede. Pero focused on gays, which the SOGIE bill is, and religious and academic freedom impeded plus smuggling of same sex marriage? No chance!”

In all fairness, nakarating hanggang Malacañang si Diez matapos ang nasabing insidente at pinaglalaban nga nila ang SOGIE kaso barado agad sila kay tito Sen.

Teka ano nga kayang kapalaran ni Gretchen sa showbiz? Meron ba?

BEA ALONZO JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with