^

Pang Movies

Tony handa na sa lovescene nila ni Vice

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Tony handa na sa lovescene nila ni Vice
Tony Labrusca

Hindi pa man daw nababasa ng hunk actor na si Tony Labrusca ang script para sa pelikulang pagsasamahan nila ni Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival 2019, pumayag na agad siya kung sakali mang magkaroon sila ng intimate love scenes ng Unkabogabol Star kung kinakailangan.

Hindi pa man nag-uum­pisa ang nasabing gagawing pelikula, hinuhulaan na ng marami na magiging box-office hit na naman ito.

Buko kay Tony, kasama rin nila sina Anne Curtis at Dimples Romana.

Samantala, isa si Tony sa mga baguhang aktor na komportable sa daring scenes with actresses mapa-young man o matured, pero ganito rin kaya siya maging kakomportable when he does it with Vice? Let’s see.

Erwan malawak ang utak pagdating kay Anne

Maraming netizens ang nagulat kay Anne Curtis dahil sa pagpayag nito na makipaghalikan kay Marco Gumabao sa muli nilang pagtatambal sa pelikulang Just A Stranger. Ganunpaman, sa kabila ng bashing na natanggap ni Anne, ipinagtanggol siya ng asawang si Erwan Heussaff sa mga nanghuhusga.

Malawak ang kaisipan nito para maintindihan ang dahilan ng kanyang asawa sa pagsabak sa daring scenes.

Zephanie Dimaranan nasa ASAP na

Bahagi na si Zephanie Dimaranan ng ASAP Natin ‘To dahil siya ang 1st grand champion ng Idol Philippines.

Samantala, pinakaaabangan naman ang grand finals ng Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime na siyang nagpasikat kina Joven Belleza, Janine Berdin at ang TNT Boys na sina Mackie Empuerto, Francis Concepcion  at Keiffer Sanchez na hindi man nag-kampeon as solo artist, ay nagkamit naman ng hindi masukat na success bilang isang trio na nakilala sa buong mundo. 

Si Froilan Canlas na naging grand finalist din ng TNT nung panahon ni Joven Belleza ang nasa likod ng TNT Boys at nagga-guide sa magandang vocals ng mga ito.

vuukle comment

TONY LABRUSCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with