Management firm ng Bigbang at Blackpink ni-raid dahil sa pagsusugal!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - August 20, 2019 - 12:00am

Dahil sa kasong illicit gambling, ni-raid ng South Korean police ang isa sa pinakamala­king K-pop management firms na YG Entertainment noong nakaraang August 17.

Pag-aari ng music mogul na si Yang Hyun-suk ang YG Entertainment na nasangkot sa drug and sex scandal issues noong nakaraang March 2019.

Si Yang, na nag-resign noong June 2019 sa kanyang post bilang founder and chief producer ng naturang K-pop management firm, ay under formal investigation ng mga police “for allegations of gambling involving illicit cash exchange along with Seungri, a former member of YG’s highly popular band Bigbang.”

May reports na sangkot si Yang sa “habitual and illegal gambling” sa Macau and Las Vegas since the early 2000s. Kasama na rin sa investigation ang pag-arrange diumano ni Yang ng sex services for foreign investors since 2014.

Dating miyembro ng ‘90s K-pop boy band na Seo Tae Ji and Boys si Yang na nagtatag ng YG Entertainment na siyang may hawak sa kasalukuyang sikat na K-pop groups na Bigbang and Blackpink.

Ang YG Entertainment din ang nasa likod ng mega-hit na Gangnam Style by Psy noong 2012. Kabilang sa top three South Korea’s entertainment agencies ang YG. Kasama rito ang SM and JYP.

Rhea enjoy sa bagong buhay sa Canada

Tila adjusted na ang dating Unang Hirit host at GMA broadcast journa­list na si Rhea Santos sa magiging buhay nila ng kanyang pamilya sa British Columbia, Canada.

Sa kanyang social media accounts ay pinost ni Rhea ang bahay na nilipatan ng kanyang pamilya. Pinost din niya ang pag-grocery nito, pag-workout at pamamasyal sa kanilang neighborhood.“So many great food choices in the groceries! Kahit di na kami magluto. But my boys are craving for sinigang! Will continue our search...  Happy day wherever you are!” caption pa ni Rhea sa kanyang isang post.

Naghahanda na rin si Rhea para sa kanyang pagbalik sa pag-aaral para sa kursong Broadcast and Online Journalism sa British Columbia Institute of Techno­logy.

Donita pinabalik ni Willie

Marami ang natuwa sa pagbabalik ng komedyanteng si Donita Nose sa programang Wowowin.

Kabilang si Donita Nose sa binigyan ni Willie Revillame ng break sa pag-host ng kanyang game show sa GMA 7 noong 2015.

Tatlong taon ding naging bahagi si Donita Nose ng Wowowin nang bigla siyang mawala sa show noong April 2018.

Galing na mismo sa 40-year old na komedyante na noong mag-reformat ang Wowowin, isa siya sa tinanggal. Wala naman daw sama ng loob si Donita sa pagkakatanggal niya sa show dahil management decision daw iyon.

Kaya noong bigla siyang nagbalik sa studio ng Wowowin, masayang-masaya si Donita Nose dahil na-miss raw niya ang show, lalo na ang host nito na si Kuya Willie.

Si Donita rin ang nagdala sa Wowowin noon kay Super Tekla. Pero noong matanggal ito sa Wowowin, nabigyan naman ito ng break sa GMA 7 bilang komedyante at host pa ito ngayon ng sarili niyang late night show with Boobay na The Boobay And Tekla Show.

YANG HYUN-SUK YG ENTERTAINMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with