KC Concepcion
KC chill-chill na lang ang buhay!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - August 14, 2019 - 12:00am

Posted IG story ni KC Concepcion ang pag-liked ng super model na si Naomi Campbell sa kanyang post. “Forever Naomi Campbell,” ang message ni KC.

Pero ano nga bang pinagkakaabalahan ni KC ngayon?

Madalas lang siyang mag-post sa IG ng solo photo niya na ang napapansin ng kanyang ibang followers ay medyo nadagdagan ang timbang niya.

Pero kahit daw tumaba o pumayat pa siya, ang importante mala-diyosa pa rin ang mukha niya.

Anyway, ano nga bang nangyari sa narinig ko dati na diumano ay may offer ang GMA 7 kay KC noon. Totoo ba ‘yun?

Or baka talagang gusto na lang maging negos­yante ni KC at chill ang buhay.

Claudine pinakiusapang tantanan na ang pagsawsaw kina Gretchen at Marjorie?!

Ay kaya pala hindi nakikisali si Claudine Barretto sa parinigan ng magkapatid na Gretchen at Marjorie Barretto ay dahil pinakiusapan na ito ng bossing ng Star Magic para matapos na ang ‘gulo’ kina Bea Alonzo, Gerald Anderson and Julia Barretto.

Diumano, nag-text ang isa sa mga bossing kay Claudine na ‘wag nang gumatong.

At naging mabait naman daw ang tita ni Julia na nauna nang kumampi kay Bea at nagpadala pa ng bulaklak.

Marami nga kasing nagtataka kung bakit tahimik si Claudine. So yun pala ‘yun, ayon sa isang source.

KC CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with