Marjorie Barretto
Gretchen at Marjorie malabo nang magkaayos!
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - August 14, 2019 - 12:00am

Mukhang hindi applicable ang kasabihang “blood is thicker than water” sa magkapatid na Gretchen at Marjorie Barretto maging sa anak nitong si Julia Barretto na naiipit ngayon sa matinding kontrobersiya na may kinalaman sa recent break-up nina Bea Alonzo at Gerald Anderson kung saan dawit si Julia.

Kung sina Gretchen at youngest sister nitong si Claudine Barretto ay nagkaayos na last February, mukhang matatagalan pa ang away ng magkapatid na Gretchen at Marjorie.

Ang pakiwari ni Gretchen, lalo lamang inilublob ng kanyang pamangkin na si Julia ang kanyang sarili nang magpakawala ito ng maaanghang na salita laban kay Bea na hindi sumagot sa mga birada ng young star.

Although hindi sumasali si Claudine sa patutsadahan ng dalawa niyang nakatatandang kapatid, obvious na sumusuporta rin ito kay Bea nang padalhan niya ito ng bulaklak sa kasagsagan ng kontrobersiya sa kanilang tatlo nina Gerald at Julia.

Kim at Maja ‘nagkabalikan’

Mukhang nanumbalik ang pagiging mag-best friends nina Kim Chiu at Maja Salvador nang magsama ang dalawa sa isang Kapamilya Fiesta show sa New Jersey, USA kamakailan lamang. Ang dalawa ay nag-bond together sa kanilang pamamasyal sa New York.

Sina Kim at Maja ay naging mag-best friends nang sila’y magsama sa teleseryeng Ina, Kapatid, Anak TV series in 2013 pero naging cold ang treatment ni Kim kay Maja matapos nitong maging kasintahan at ex-boyfriend ni Kim na si Gerald Anderson pero nagkahiwalay din ang dalawa in 2015.

Since pareho nang masaya ngayon sina Kim at Maja sa kanilang respective lovelife  dahil may Xian Lim na si Kim at may Rambo Nuñez si Maja, dedma ang dalawa sa kontrobersiyang kinakaharap ngayon ni Gerald sa ex-girlfriend nitong si Bea Alonzo kung saan damay din ang ex-girlfriend ni Joshua Garcia na si Julia Barretto. 

Marco ayaw na ng partner!

Hindi marami ang nakakaalam na sandaling naging magkasintahan ang Fil-Italian ex-PBB housemate-turned actor na si Marco Gallo at ang unica hija ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez pero klinaro ng young actor na mutual decision nila ang kanilang paghihiwalay dahil meron pa silang priorities na dapat tutukan lalo pa’t pabalik noon ng Italy si Marco para mag-aral at hindi umano niya kakayanin ang long-distance relationship. Pero pagkaraan ng anim na buwang pamamalagi sa Italy ay nag-desisyon si Marco na bumalik ng Pilipinas at ipagpatuloy ang kanyang showbiz career dito.

Si Marco ay kasama sa cast ng teleseryeng Pamilya Ko na tinatampukan nina JM de Guzman at Arci Muñoz kasama sina Sylvia Sanchez, Joey Marquez, Kiko Estrada, Maris Racal at Jairus Aquino na malapit nang magsimula sa ere.

MARJORIE BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with