Supreme Court Justice Marvic Leonen
Supreme Court Justice na-curious kung anong meron si Gerald!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - August 8, 2019 - 12:00am

Tulad ni Supreme Court Justice Marvic Leonen, ang tanong ng bayan ay ano nga bang meron si Gerald Anderson at naging ‘national issue’ ang tungkol sa kanila nina Bea Alonzo ang Julia Barretto?

Ang gaganda nina Bea at Julia para magkaroon ng TeamBea and TeamJulia over him.

Tweet kasi kahapon ni Supreme Court Justice Marvic Leonen : “Dear Bea and Julia, is he really worth it? #JustAsking” na umani ng sangkaterbang comments, retweets at likes.

Sa mga nangyayari, lumalabas na sobrang gandang lalaki ng aktor.

Anyway, ang tita ni Julia na si Gret­chen, belong sa Team Bea.

“The fact that they hired a ghost writer for this post is hilarious & makes her sound desperate to salvage whatever is left.”

May comment din siyang “team Bea for the win.” Pero inakusahan din naman si Gretchen ng TeamSawsawera.

Anyway, after ng statement ni Julia the other day, mas dumami ang kumampi kay Bea. Feeling ng mga sumusubaybay sa kanilang serye, mas pinahamak pa ni Julia ang sarili.

As of presstime, wala pang sagot si Bea sa mga buwelta nina Julia at Gerald so walang masyadong pinagpiyestahan ang mga na-trap sa traffic sa EDSA.

Rufa Mae hindi inexpect na makakabalik pa

Balik-pelikula si Rufa Mae Quinto.

Though special participation lang siya sa pelikulang And Ai, Thank You starring AiAi delas Alas, nasa presscon siya kahapon ng nasabing pelikula na sinulat at dinirek ni Joven Tan.

Tanggap na ngayon ni Rufa Mae na hindi siya pangbida at mas marami nang mas batang artista.

Actually, after daw niyang manganak, akala niya ay hindi na siya makakabalik sa pelikula bilang tumaba nga siya at feeling niya wala nang magtitiwala sa kanya.

Noong una raw parang ‘di niya matanggap pero na-realize niya na pinagdaanan na rin naman niya ang pagbibida at wala na siyang dapat patunayan.

Ngayon ay chill lang siya at hindi na nagde-demand ng kahit ano basta may trabaho na bagay sa kanya.

Showing na on August 14 ang And Ai, Thank You.

BEA ALONZO GERALD ANDERSON JULIA BARRETTO MARVIC LEONEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with