^

Pang Movies

Daniel proud na proud kay Kathryn

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Daniel proud na proud kay Kathryn
Daniel Padilla, Kathryn Bernardo

Proud na proud si Daniel Padilla sa girlfriend na si Kathryn Bernardo sa galing ng performance ng aktres sa Hello, Love, Goodbye. Ipinahayag ito ng aktor sa presscon ng ASAP Natin ‘To na ginanap sa San Francisco Bay Area last weekend.

We’ve watched a snippet of the said presscon sa YouTube kung saan, sinasabi ng aktor sobrang proud siya at hindi raw biro ang hirap na dinaanan ni Kathryn while doing the film dahil bukod daw sa mahihirap na eksena ay may personal pa itong pinagdadaanan that time.

Kaya naman masayang-masaya raw siya na nagbunga ang paghihirap ni Kathryn dahil very successful ang movie.

As of Sunday, kumikita na ng 250,040,718.80 ang Hello, Love, Goodbye at patuloy ang magagandang papuri ng moviegoers sa ganda ng pelikula at sa mahusay na performance nina Kathryn at Alden Richards.

Ryle ayaw munang madungisan ang image

Inamin ni Ryle Santiago na tinanggihan niya ang iWantTV project na Mga Batang POZ dahil makakaapekto raw ito sa kanyang endorsements partikular na ang baby products na ine-endorse niya sa Megasoft Hygienic Products, Inc.

“Mas iniisip kasi ng parents ko, alagaan sina Miss Aileen (Choi-Go, Megasoft VP for sales and marketing), kasi, kailangan, wholesome image di ba?” sambit ni Ryle nang makatsikahan namin last Sunday sa National Sisters Day celebration na ginanap sa Starmall, Alabang.

Aminado rin ang Hashtag member na talagang nanghinayang din siya sa proyekto.

“Ako, honestly, gusto ko sanang gawin, kasi ayokong i-limit ang sarili ko. Kung ganu’n ang tiwala sa akin ng Dreamscape na gustong-gusto sana nilang ibigay sa akin. . .

“Nanghinayang ako to be honest. May contracts kasi, so, hindi ako pinayagan. Pati ng Star Magic (his management), sabi nila, kung pwedeng huwag muna, huwag muna, kasi baby pa raw ako. Pagdaanan ko raw muna ‘yung stages.

“Sabi ko, ‘sige, I guess, okay.’ May dadating din sigurong ano. . .” sey pa niya.

Medyo maselan kasi ang tema ng Mga Batang Poz na tungkol sa HIV at magre-require sa kanya ng mga mapangahas na eksena.

Hindi lang daw ang Mga Batang POZ ang kanyang natanggihan kundi may isa pa na medyo maselan din.

“‘Yung passion project ni direk Jason Paul (Laxamana) na for over a year na naming pinag-uusapan. Isa niyang movie na napaka-daring din. Parang medyo sobra rin kaya hindi rin ako pinayagan.”

Mas gusto raw ng parents niya at ng Star Magic na alagaan muna ang mga endorsement niya dahil sayang naman daw.

In the future ay gusto pa rin niyang magawa ang mga ganito ka-challenging role but for now ay gusto raw muna sa kanya ay clean image.

Nagpakilig at nagpasaya si Ryle sa kanyang mga fans sa nasabing National Sisters Day celebration kasama ang iba pang fellow Ambassadors na sina Myrtle Sarrosa and Young JV Kapunan. Also serenading the sisterhood was World Championship of the Performing Arts (WCOPA) gold medalist Aljun Cayawan.

As a give back to the community, “Megasoft’s School Is Cool” advocacy has toured almost 70 schools around the country since 2016, providing entertainment and assistance to the students and the schools and more importantly inspiring the youth to achieve their dreams.

It has also rendered support to movie premieres, album launches, concerts and fan meets including the recent Star Cinema blockbuster movie Hello, Love, Goodbye and the upcoming film Block Z.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with