Kathryn nakaalis na agad!

Wala pang nilalabas na figure ang Star Cinema, pero tulad sa inaasahan, pila-pila ang mga nanood ng Hello, Love, Goodbye nina Alden Richards and Kathryn Bernardo.

Ito ay kahit maulan-ulan pa kahapon. Pero dahil siguro pay day kaya dagsa rin ang mga nanonood.

Pa-Amerika naman si Kathryn kasama si Daniel Padilla para sa ASAP Natin ‘To sa California kagabi.

May ibang fans na nagpahayag na KathNiel pa rin sila pero nakita naman ang suporta ng AlDub sa mga nagaganap na block screening.

Rhea sa Canada na titira

Sa Canada na pala titira ang Kapuso host na si Rhea Santos kasama ang kanyang pamilya kaya nag-babu na ito sa Unang Hirit kahapon ng umaga.

Umiiyak na nagpaalam si Rhea kahapon sa UH na almost 20 years din pala siyang naging bahagi.

“Ipinagdasal po namin ito at ibinigay sa amin kaya malakas po ‘yong loob ko talaga dahil alam kong kaya ko at kasama ko ang aking pamilya,” sabi niya.

Bukod sa Unang Hirit, iiwan din niya ang programang Tunay na Buhay na siya ang host.

Dati rin ay may programa siya sa DZBB.

Papalit sa kanya ang isa pang multi-talented Kapuso broadcast journalist na si Mariz Umali.

“Noong una, hindi ako makapaniwala. Hindi ko rin talaga naisip na mapupunta ako dito kasi ‘yung mundo ko puro balita lang - kaya hindi ko na-imagine na makukuha ako rito. Pero noong sinabi sa akin ng mga boss na magiging part na ako ng Unang Hirit barkada, I am very grateful kasi siyempre ang hosts and anchors ng UH ay matagal ko nang mga kaibigan - and this time makakasama ko na sila sa isang programa kaya ang saya lang talaga,” Mariz said.

Show comments