Bubble Gang icons para kay Bitoy...

Michael V

Full support ang buong cast ng longest-running gag show ng GMA Network, for 23 years na Bubble Gang, sa kanilang creative director, Michael V, sa nalalapit na opening ng movie na Family History, na first directorial job nito at siya rin ang producer, writer at actor ng movie, ng Mic Test Entertainment nila ng wife niyang si Carol Bunagan at ng GMA Pictures. Katambal ni Bitoy si Ms. Dawn Zulueta.

Sa pangunguna ni Boy 2 Quizon, kasama sina Paolo Contis at Antonio Aquitania, nag-organize sila ng isang block screening para sa movie, na magaganap din kasabay ng opening ng Family History sa July 24.

“Tatawagin nating Bubble Gang block screening ito kasabay ng opening day ng movie,” sabi ni Boy 2. “Nag-decide kami to show our love and support and at the same time, we feel we are all united and a part of it.  Gaganapin namin ito sa Ayala Vertis North.  Magiging bonding time naming lahat ito dahil nag-imbita rin kami ng mga icons ng Bubble Gang, iyong mga unang gumanap sa gag show.”

Ngayong Tuesday, July 23, ang red carpet premiere night ng Family History sa Cinema 3 ng SM Megamall. At sa July 24 ang opening ng movie na binigyan ng Grade B ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Gabbi at Derrick gaganap na PDEA agents

Back to training na si Gabbi Garcia para sa upcoming action-drama teleserye na Beautiful Justice na ididirek ni Mark Reyes.  Itutuloy na lamang ni Gabbi ang training niya, na sinimulan na niya noong naghahanda siya sa unang project sana niyang gagawin, ang Rosang Agimat. Kasama ang target-shooting training ng buong cast, sina Derrick Monasterio, Yasmien Kurdi, Bea Binene, Valeen Montenegro, Bing Loyzaga and Victor Neri.

Magka-love team sa serye sina Gabbi at Derrick na sabi’y gaganap na mga PDEA agent. 

Tomorrow, Wednesday, magsisimula na silang mag-taping ng Beautiful Justice.

Kaso walang pamasahe, Alden nangarap ding sumali sa Mr. Pogi

Nagsimula na ang Mr. Pogi 2019 segment ng Eat Bulaga na akala ng fans, si Alden Richards ang magho-host nito, pero si Jose Manalo ang nag-host at mga judge  naman ang lady dabarkads na sina Maine Mendoza, Luane Dy at Pia Guanio. 

Samantala, tinanong si Alden nina Maine kung hindi ba siya nag-ambisyon noon na sumali sa Mr. Pogi. Nangarap din daw siya pero wala siyang perang ipapamasahe papunta ng Broadway studio at wala rin siyang confidence sa sarili. Limited engagement din lamang ang Mr. Pogi contest para sa 40th anniversary ng Eat Bulaga.

Show comments