Jillian idol na idol si Marian

Jillian Ward

MANILA, Philippines — Para sa Kapuso teen actress na si Jillian Ward, isang magandang ehemplo raw ang Primetime Queen na si Marian Rivera sa mga kababaihan kaya naman iniidolo niya ito. Kuwento pa ng Prima Donnas star, mula pa noon ay nakatutok na siya sa mga show ni Marian, “Napanood ko na po yung Dye­sebel, Darna, Marimar, ‘yung mga nagawa niya na pong characters na naging iconic din po talaga.”

Dagdag pa niya, empowering din ang Sunday PinaSaya host especially sa mga tulad niyang nagdadalaga. No wonder, bukod sa looks, parehas din sila ni Marian na talented. Excited na tuloy kami na mapanood ang Prima Donnas.

Anthony napapakinggan sa Koreanovela

Pinasalamatan ng The Clash alumni na si Anthony Rosaldo ang GMA dahil pinagkatiwalaan siyang kumanta ng Larawan, ang original soundtrack ng Koreanovelang Emperor: Ruler of the Mask.

Kasalukuyang ipinapalabas sa GMA Heart of Asia ang kuwento ng isang prinsipe na mapipilitang itago ang kanyang mukha upang iwasan ang panga­nib sa paligid ng kaharian. Mapapanood ang Emperor: Ruler of the Mask mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad.

Show comments