Nadine nagsalita sa ‘di pagkakapili sa Darna!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - July 20, 2019 - 12:00am

Kaaliw ang sagot nina Nadine Lustre at Sam Concepcion nang matanong sa mediacon ng Indak kung wala bang awkwardness sa mga medyo intimate or sweet scenes nila together.

“It gets awkward kasi, parang ano. . . parang...” sey ni Nadine na tumingin kay Sam.

Ang actor/singer na ang nagpatuloy ng karugtong.

“Incest,” sambit ni Sam sabay-tawa. Dahil siyempre, parang magkapatid na raw ang turingan nila noon pa man. At maging si James Reid na boyfriend ni Nadine ay friend din ni Sam at magbabakarda sila.

Pero sabi nga ni Nadine, they had to do it at kailangan nilang maging professional.

“Like ‘yung sa Cebu namin, sabi ni direk, niloloko kami, nung parang last scene na namin, tapos parang kaming dalawa, nagtinginan kami, parang incest ang nangyari,” natatawang sabi ni Nadine.

“So, ‘yun, okay naman po after the scene,” she added.

After two Best Actress (one in FAMAS and one in Gawad Urian) award for the movie, Never Not Love You, may pressure ba ngayon sa kanya sa pelikulang ito?

“Honestly, I feel like kung lalagyan ko po siya ng pressure, baka lalo lang po akong mahirapan. Kasi at the back of my head, kung iisipin ko lang na ‘ah, kailangan kong i-please ‘tong mga taong ‘to, kailangang mahigitan or at least, makapantay ‘yung mga project ko before,’ siyempre, mahirap din para sa akin that I always have that at the back of my head.

“So, as much as possible, katulad nitong Indak, kasi, siyempre, eto na ‘yung after nang i-announce ‘yung mga award, enjoy lang. ‘Yun lang naman po ang importante. As long as you love what you’re doing, and alam mo ‘yun, hindi mo dina-doubt ‘yung work mo, ‘yun lang naman ang importante at the end of the day,” pahayag ni Nadine.

Siyempre, hindi rin naligtas ang aktres na mahingan ng reaksyon tungkol sa napiling bagong Darna na si Jane de Leon especially, isa rin siya sa top choices ng mga tao to play the coveted role.

Ayon kay Nadine ay masaya raw siya for Jane at siya naman daw ay hindi nag-expect talaga to be chosen dahil hindi rin naman siya nag-audition.

“In the very beginning naman po like what I said, I was never expecting. And I didn’t audition din naman po. So, okay lang naman.

“I’m really happy na si Jane ‘yung nakuha kasi I’ve seen her a couple of times before, common friends. So it’s nice na siya ‘yung bagong superhero nating lahat,” saad ni Nadine.

Ang Indak ay isang dance musical film mula sa direksyon ni Paul Ale­xei Basinilio hatid ng Viva Films. The movie is opening in cinemas on August 7.

NADINE LUSTRE SAM CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with