Jane de Leon
Nadine naudlot, Jane de Leon pinalit kay Liza sa Darna!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - July 18, 2019 - 12:00am

Ang presscon ngayon ni Nadine Lustre para sa isang project na kasama niya si Sam Concepcion pati ang dance teacher na si Georcelle Dapat-Sy.

Tiyak na matatanong si Nadine tungkol sa announcement ng Star Cinema na ang Star Magic artist na si Jane de Leon na ang magbibida sa pelikulang Darna.

Maraming fans ni Nadine ang umaasang ang aktres ang mapipiling magbibida sa Darna after mag-resign ni Liza Soberano sa pelikulang ‘yon.

Na-sad ang fans ni Nadine na hindi siya ang magda-Darna.

Ano kaya ang sasabihin ni Nadine?

In the first place, umasa ba naman ang girlfriend ni James Reid na siya ang magbibida sa Darna movie?

Well...

Jane gumagawa na agad ng ingay!

Ngayon pa lang ay pinag-uusapan na si Jane dahil sa pagkakapili niya na gumanap na Darna/Narda.

May iba na nagsasabing “the who” ang bagong Darna?

May mga nagsasabi naman na magaling na artista si Jane kaya siya ang nakuha para magbida sa pelikulang ‘yon.

Si Jane ang gumanap na younger sister ni Jericho Rosales sa series na Halik.Ngayon pa lang ay sinasabing si Jane na ang next important star ng ABS-CBN dahil sa Darna!

Kahapon pa lang pagka-announce na pagka-announce na si Jane ang bagong Darna ay gumawa na kaagad siya ng ingay!

Hopefully walang maging health problem si Jane at matapos niya ang Darna!

Kung matatandaan, parehong nag-back out sa Darna project sina Angel Locsin at Liza dahil sa health problem.

Manny at Keith Thurman pinagkaguluhan sa Las Vegas

Parehong pinagkakaguluhan ngayon sa Las Vegas, Nevada ang boxing champions na sina Manny Pacquiao at Keith Thurman.

Sa Saturday na (Sunday sa Philippines) ang boxing fight ng dalawa sa MGM Grand Arena.

Maraming Pinoy fans ang nasa Las Vegas ngayon para mag-celebrity sightings.

Ang maraming Pinoy and Hollywood celebrities, pati politicians natin ang madalas na inaabangan ng fans sa tuwing may boxing fight si Manny!

Xian at Alex may pang-adult na ginawa

Ang CNN Philippines guesting kahapon ni Xian Lim para sa promotions ng Tabon directorial job niya.

Ang Tabon ay official entry sa Cinemalaya at pinagbibidahan nina Christopher Roxas at Ynna Asistio.

Nangako ang KimXi fans nila ni Kim Chiu na susuportahan ang pelikulang idinirehe ni Xian.

Samantala, natapos na rin ni Xian ang shooting ng sinasabing romantic-comedy movie nila ni Alex Gonzaga na may pagka-adult ang tema.

Co-producer ng Viva Films si Toni Gonzaga under her production outfit TinCan sa pelikulang Love The Way You Lie.

JANE DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with