Cherry Pie sinaluduhan sa ‘lakas’ sa pagpapatawad

Marami pa ring hindi nakaka-move on sa dokumentaryong gawa ng ABS-CBN DocuCentral para sa desisyon ni Cherry Pie Picache na ikwento ang kanyang pinagdaanan at para na rin sa magandang pagkakagawa nito.

Sabi nga ng kilalang direktor at producer na si Joey Javier Reyes sa isang Twitter post na kahanga-hanga ang ginawang pagpapatawad ni Cherry Pie dahil hindi raw madali ang magpatawad, lalo na sa taong kumitil sa buhay ng isang mahal sa buhay.

“Just saw the documentary RADICAL LOVE in iWant. @Yescppicache finds the greatness of heart and the guidance of the Almighty to forgive the man who murdered her mother. This had me realizing the power of forgiveness. Watch it. #RadicalLove,” aniya.

Sa special screening nga ng Radical Love sa Dolphy Theater ng ABS-CBN noong nakaraang Linggo, ikinuwento ni Cherry Pie na nagda­lawang-isip siya sa pagbabahagi ng kanyang kwento, ngunit nanaig ang kagustuhan niyang matulungan din ang ibang dumaraan sa sitwasyong katulad nito.

“Sana ay maalala natin kung ano ang tunay na pagmamalasakit, walang pasubali na pagmamahal, at pagpapatawad. Sana maalala rin natin na bigyang halaga at respeto ang kahit anong uri ng buhay. Para ito sa aking pamilya at sa lahat ng pamilya na biktima ng mga matinding krimen,” aniya.

Sabi nga nila ang pagpapatawad ay attributed sa pagiging malakas na ginawa ng aktres. 

Anyway, maaari pang panoorin ang Radical Love,  na gawa ng award-winning na ABS-CBN DocuCentral sa online sa iWant.ph o sa iWant app. Ipapalabas rin ito sa DZMM TeleRadyo sa Hulyo 14 ng 7 pm at sa ANC sa Hulyo 15 ng 7 pm. 

The Eddys ngayong gabi na

Ngayong gabi na magaganap ang inaabangang The Eddys 2019, 7:00 p.m. Kia Theater, Cubao.

Mainit ang labanan ng Best Actor, Best Actress at best picture.

Magiging highlight din ang Parangal Para sa Sandaan kung saan bibigyan ng pagkilala ang mga taong hindi masyadong napapansin pero sa paggawa na ng pelikula tumanda bilang bahagi ng celebration ng 100 years of Philippine Cinema.

Meron ding Icon Awards at tribute para kay Mr. Eddie Garcia.

Bibigyan din ng pasasalamat ang mga namayapang taga-showbiz.

Mapapanood sa Colour channel ng Cignal TV ang telecast ng The Eddys 2019 na ang award winning TV host na si Korina Sanchez ang main host.

Pangungunahan naman ni Ms. Kuh Ledesma ang mga magpe-perform.

Show comments