Dingdong at Marian nag-time out

Marian, Dingdong

Ilang araw ding nasa Canada si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at pagbalik naman niya sa bansa, sumabak agad siya sa training para sa coming teleserye niya ang Descendants of the Sun.

Kaya naman last Sunday, nag-time out sila ng wife na si Marian Rivera at nag-date. Una nilang pinuntahan ang back-to-back exhibit ng friends nila sa Taguig. 

Alden magaling na ring bartender

Magaganda ang feedback sa pilot episode ng Mars Pa More na hosted na ngayon nina Camille Prats at Iya Villania every morning at 8:50 am sa GMA 7 na first time nag-perform sa show ang anak ni Camille na si Nathan at si Primo na panganay nina Iya at husband Drew Arellano, na nag-prepare ng brownies.

Sa show, ipinakita ni Alden Richards kung ano ang isa sa role na gina­gampanan niya sa Hello, Love, Goodbye nila ni Kathryn Bernardo for Star Cinema.  That of a bartender, naghanda siya ng drinks. Bago raw siya nag-shoot ng eksenang iyon, six hours daw niyang pinag-aralan, sa tulong ng isang totoong bartender, kung paano ang paghahanda ng drinks sa bar.

Ayon pa kay Alden, ang movie na dinirek ni Cathy Garcia-Molina ay nagpapakita ng mga millennial na nagtatrabaho doon. Pareho raw silang Pilipino ni Kathryn sa story, pero magkaiba ang mundo nilang ginagalawan sa Hong Kong at doon makikita kung paano nila ipaglalaban ang isa’t isa.  In cinemas nationwide na ang Hello, Love, Goodbye starting July 31.

Back to Mars Pa More, daily mapapanood ang morning show from Mondays to Fridays. Kung napanood ninyo kahapon si Chariz Solomon sa show, siya ang pansamantalang papalit kay Camille bilang co-host ni Iya, sa maternity leave nito.

Bianca natulala kay Dawn

Kahit pala ang lola ni Bianca Umali na nagpalaki sa kanya ay masayang-masaya dahil favorite nito si Dawn Zulueta na co-star ng young actress sa Family History with Michael V.

“Ang hindi ko makakalimutan kay Ms. Dawn, nu’ng script reading namin, pagpasok ko sa room, pagkakita ko sa kanya, sobrang na-starstruck ako sa kanya, super,” sabi ni Bianca. “I don’t know if she noticed it but I know it was so embarrassing, I couldn’t stopped starring at her.”

Ang Family History ay mapapanood na simula sa July 24, in cinemas nationwide.

Show comments