^

Pang Movies

Gagawing pelikula nina Maine at Carlo kinukumpara agad sa Hello, Love, Goodbye

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Gagawing pelikula nina Maine at Carlo kinukumpara agad sa Hello, Love, Goodbye
Maine Mendoza at Carlo Aquino

Magtatambal sa kauna-unahang pagkakataon sina Maine Mendoza at Carlo Aquino sa isang rom-com movie na nakatakdang idirek ng indie director-turned mainstream na si Prime Crisologo Cruz na may pamagat na  Isa Pa With Feelings under Black Sheep Productions, subsidiary company ng Star Cinema.

Ang Black Sheep Productions din ang nag-produce ng hit reunion movie ng mag-ex na sina Angelica Panganiban at Carlo, ang Exes Baggage.

At ngayon ay hindi talaga maiiwasan na maikumpara ang movie na gagawin nila sa movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang Hello, Love, Goodbye na pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Molina na sa Hong Kong pa kinunan.

Maganda rin sana kung si Daniel Padilla ang ipinareha kay Maine at si Direk Cathy rin ang director o kung hindi man either isa kina Dan Villegas at Antoinette Jadaone para patas ang labanan.

Matteo ‘di binigyan ng special treatment sa loob ng kampo

Excited na marahil ang pamilya at girlfriend ng triathlete, singer-actor at entrepreneur na si Matteo Guidicelli  na si Sarah Geronimo dahil nakatakda nang lumabas ng Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan ang aktor.

Si Matteo ay sumailalim ng 45-day training ng pagiging isang Scout Ranger sa loob ng kampo bilang 2nd Lt. army reservist.

Wala umanong special treatment na ibinigay kay Matteo habang ito’y nasa loob ng kampo.  Pero paglabas naman nito ay agad niyang haharapin ang nakabinbin niyang mga commitment at kasama na rito ang isang action-themed movie na nakatakda niyang simulan ngayong July. Tiyak na malaki ang maitutulong ng kanyang training sa loob ng kampo sa kanyang pagsabak sa isang ma-action na pelikula.

Bukod sa acting, nariyan pa ang kanyang first album under Viva Records at malamang na muli siyang sumabak sa concert scene.

vuukle comment

CARLO AQUINO

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with