^

Pang Movies

Kris muntik malunod sa pool!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kris muntik malunod sa pool!
Kris Aquino

Kaaliw naman ang post ni Kris Aquino na natakot daw ang ate niya na tamaan sila ng kidlat habang nasa pool silang mag-iina. Kailangan kasi niya ng water physiotherapy at ini-advise sa kanya na magbabad siya sa pool.

Ipinost ni Kris ang screenshot ng text message ng kanyang ate na pinagbabawalan siyang mag-pool dahil baka tamaan sila ng kidlat since masama ang weather that night.

Inamin din ni Kris na nasa pinakamababaw na part na siya and yet, muntik pa siyang malunod.

“We TRIED. i think that’s the most important thing... but i stressed my Ate who thought we’d get struck by lightning (uh, with me that’s more than likely)... yes in our pool’s shallowest area i was in danger of drowning. so bimb said until my balance & resistance improve we were better off in the whirlpool. then he called kuya to help him hoist me to our smaller pool w/ seating,” simula ng post ni Kris.

Makikita sa mga larawan na ipinost niya na habang nasa pool siya ay nakabantay talaga ang dalawa niyang anak at inaalalayan siya. Kaya naman ang daming pumuring netizens kina Joshua at Bimby dahil sa pagiging mabait nilang anak.

Ken sa USA naman nagliliwaliw

Bakasyon-grande talaga ang Kapuso actor na si Ken Chan ngayon dahil after Bali, Indonesia ay dumiretso naman siya sa USA. Makikita na sa kanyang Instagram account ang mga larawan niya habang namamasyal sa New York at halatang-halata sa fresh aura niya na talagang nakapag-relax siya nang husto.

Mga 3 weeks na ring wala sa bansa si Ken at ang una nga niyang pinuntahan ay ang Bali, Indonesia kung saan ay makikita rin sa mga post niya na talagang nag-enjoy siya nang husto.

Tila reward ni Ken sa sarili ang naturang bakasyon dahil sa sunud-sunod na trabaho nitong mga nakaraang buwan.

‘Yun nga lang, pati sa kanyang bakasyon ay hinahanap ng mga tao sa kanya ang ka-loveteam na si Rita Daniela at tinatanong kung bakit hindi niya ito kasama.

Matatandaang nagtapos last March ang drama series niyang My Special Tatay at wala pa siyang inaanunsyo kung ano ang next project niya.

Aiko matatag sa karelasyon

Getting stronger pa rin ang relasyon ni Aiko Melendez kay Zambales Vice Governor Jay Khonghun. Binati ng aktres ang boyfriend sa kaarawan nito at kitang-kita sa mga words niya kung gaano niya ito kamahal.

“Grabe in almost 2 years naten ang dami dami na naten pinagdaanan at pagdadaanan, But im confident that we will surpass all our trials coz of the love we have for each other.

“Happy birthday again baby! May God continue to bless you because you deserve it,” ang sweet greetings ni Aiko sa BF.

Kamakailan ay matatandaang napabalitang may problema ang kanilang relasyon but it turned out na everything’s smooth at matatag pa rin ang kanilang samahan.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with