Matteo and Sarah, hinihintay na kung kailan pakakasal

Kasal na lang ang hinihintay ng ibang fans kina Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo.

Ito ay matapos kumalat ang photo ng pagdalaw ni Sarah sa military training ng actor kamakailan kasama ang pamilya ng boyfriend sa Camp Tecson sa San Miguel Bulacan.

Pumasok si Matteo last May 27 at naka-schedule matapos sa July 1.

Kahit nagti-training si Matteo para maging military reservist ay naging visible siya sa social media.

Balitang documented ang pagpasok ni Matteo sa training at mapapanood sa isang live streaming provider.

Anyway, going back to Sarah,  lagi talagang tren­ding pag kumanta si Sarah sa ASAP.

Kahapon ay kabiritan niya sina Yeng Constantino and KZ Tandingan at talagang pinag-usapan agad-agad sa social media.

Pinagdiinan Sharon no editing ang pagpayat

Ang payat na nga ni Sharon Cuneta na magbabalik sa concert scene sa October.

Hashtag niya sa photos niya, noediting.

At least talagang kinarir na niya ang pagpayat kaya naman puring-puri na siya ng followers niya na mukhang 40 years old na lang siya ngayon.

Parang konti na lang nga naman babalik na sa dati ang katawan ni Ms. Sharon.

Show comments