^

Pang Movies

Willie parang interior designer na!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Willie parang interior designer na!
Willie Revillame

Ipinapa-renovate ni Willie Revillame ang mansion niya sa Ayala Heights na dating pag-aari ni ABS-CBN big boss Gabby Lopez.

Ang renovation ng kanyang mga ari-arian ang pinagkakaabalahan ngayon ni Willie.

Kung hindi architect, baka mahusay na interior designer si Willie noong past life niya dahil may taste siya sa pagpili ng magagandang bahay at mga furniture.

Nakakamangha ang mga bahay ni Willie dahil magaganda ang mga design at sobrang linis. Daig pa nga niya ang mga tao na nag-aral ng interior design.

Nag-aaral din si Willie ng pagpapalipad ng helicopter. Actually, marunong na siya na magpalipad ng chopper na isang big achievement para sa kanya.

Sino ang mag-aakala na magiging multi-millionaire si Willie na P50 per day ang sahod noong drummer pa siya?

Ang maganda kay Willie, marunong siyang mag-share ng blessings kaya malapit ang suwerte sa kanya.

Butch nakakapag-host na uli

Happy naman ako dahil si Butch Francisco ang host ng 42nd Gawad Urian na ginanap sa UPFI Film Center noong Lunes.

Mula nang mawala ang Startalk, hindi na masyadong visible si Butch na alam nating lahat na love na love ang pagiging TV host.

Ang pagpapatayo at pag-aayos sa kanyang bagong bahay sa New Manila, Que­zon City ang pinagkakaabalahan ni Butch.

Gandang-ganda sa bahay ni Butch ang former staff ng Startalk na inimbitahan niya sa kanyang mansion sa New Manila.

Anyway, mabuti na lang, may Gawad Urian kaya every year, nahahasa ni Butch ang talent niya sa hosting.

Magaling din na writer at film reviewer si Butch. Ang balita ko, may column na siya sa isang entertainment website.

Nadine naka-3 nang best actress

Rejoicing ang fans ni Nadine Lustre dahil ang kanilang favorite actress ang best actress ng 42nd Gawad Urian.

Bongga si Nadine dahil nagkaroon agad siya ng Urian acting trophy na pangarap ng lahat ng mga aktres.

Sayang lang dahil hindi nag-win si Nadine sa Star Awards for Movies or else, malaki ang tsansa niya na maka-grandslam tulad ni Lorna Tolentino.

Hinakot ni LT ang mga best actress trophy ng lahat ng mga award-giving body noong 1992 dahil sa outstanding performance niya sa Narito ang Puso Ko.

Dahil sa mga parangal na natanggap niya, sure ako na lalong gaganahan si Nadine na gumanap ng mga challenging role. Hindi rin surprising kung maging mapili siya sa pagtanggap ng mga movie project na hahamon sa kanyang acting ability.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with