Eddie Garcia waging Best Actor, Nadine Best Actress sa Urian!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - June 19, 2019 - 12:00am

Oh kagabi pala ang awards night ng Gawad Urian na ginanap sa UP Theater.

Nanalong Best Actor si Eddie Garcia (for ML) na hanggang ngayon ay nakaratay pa rin sa Makati Medical Center matapos ngang mapatid sa cable wire sa taping. Best Actress naman si Nadine Lustre for the movie Never Not Love You.

Best Picture ang Buy Bust at Best Director si De­nise Ohara for Mamang; Best Supporting Actress si Cherie Gil (Citizen Jake) and Best Supporting Actor si Direk Joel Lamangan (for School Service).

Obviously nag-iba ng taste sa mga nanalo ang Urian this year na karaniwang mga indie ang ipina­panalo sa mga nakaraang taon.

Dati rin ay ang Cinema One ang producer ng Urian.

Hindi naman nakarating si Nadine kagabi para tanggapin ang kanyang bagong Best Actress award.

 HLG patok sa online!

 Talagang inabangan at hindi pinalampas ng avid fans at supporters ni Alden Richards ang official teaser ng pelikulang Hello, Love, Goodbye kung saan katambal niya si Kathryn Bernardo. Nag-trend agad ang teaser online at umabot ito sa mahigit one millions views in less than 24 hours last Friday. Usap-usapan na rin ang mga karakter ng dalawa na sina Ethan at Joy, mga OFW na naka-destino sa Hong Kong.

Lalo pa nga raw na-excite ang fans na mapanood ang movie after nilang makita ang official movie poster tampok ang dalawang stars. Nakatakdang ipalabas ang Hello, Love, Goodbye on July 31 in cinemas nationwide.

GAWAD URIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with