Eddie Garcia
Eddie bantay-sarado na ng mga doktor!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - June 13, 2019 - 12:00am

Mukhang may tuluy-tuloy na ngang hospital watch ngayon sa kalagayan ng actor na si Eddie Garcia kaya araw-araw may lumalabas na medical bulletin mula sa mga doctor na tumitingin sa kanya. Hindi naman talaga puwedeng hindi dahil isang national figure ang actor, at hindi naman siya karaniwang actor lamang.

Kung natatandaan ninyo, ganyan din ang nangyari noong maratay sa ospital ang hari ng pelikulang Pilipinong si Fernando Poe Jr., at ganoon din ang hari ng comedy na si Dolphy. Si Eddie Garcia ay kinikilala rin namang hari ng pelikula on his own.

Nananatili sa ICU si Eddie Garcia at comatose  pa rin. Natural lang iyon dahil apektado na nga ang buo niyang nervous system dahil sa nangyaring cervical fracture.

Hindi sinabi kung naka-traction ang kanyang leeg. Ginagawa rin kasi iyon para maibsan ang sakit, o kung maaari pang ayusin ang fracture bago ang isang operasyon.

Sa ngayon sinasabing tinutulungan siya ng isang ventilator para sa paghinga. Maging ang kanyang mga doctor at ang kanyang stepson na si Congressman Mikee Romero ay humihingi ng panalangin at sinasabing “naniniwala pa rin kaming may mga milagrong maaaring mangyari”.

Ang naglalabasang picture lamang ni direk Eddie mula sa kanyang hospital bed ay ang kanyang kamay na may hawak na rosaryo. Lahat ay humihingi ng panalangin.

Wala namang nagsasabing may nagtatangkang umiwas sa kanilang responsibilidad. May commitment naman ang GMA-7 na hindi lamang nila aalamin kung ano ang totoong nangyari o kung may kapabayaan ngang naganap,  sinabi rin nilang pananagutan nila ang lahat dahil nangyari iyon sa taping ng kanilang serye.

Hindi naman totoo ang akusasyon ng iba na mukhang umiiwas ang GMA-7 sa kanilang responsibilidad sa nangyaring aksidente. Sinabi na nilang pananagutan nila ang lahat.

Fans ni James nagpaka-OA

Ano nga ba ang kasalanan ng dating model at beauty queen na si Patty Betita kung nabanggit man niya ang kanyang opinion na mas naging “friendly” sa kanila si Daniel Padilla kaysa kay James Reid noong Binibining Pilipinas night? May picture pa si Patty at ilang kaibigan na kasama si Daniel. Wala silang picture na kasama si James na sinabi niyang “not as friendly”.

Matapos niyang sabihin iyon, inulan na siya ng bashers. Sinabi naman ni Patty na nabanggit lang niya ang kanyang opinion, at kung may nasaktan mang mga damdamin, humihingi siya ng paumanhin. Pero ano nga ba ang magagawa natin kung iyon ang kanyang naging impression sa dalawa?

Bagong panalong beauty queen, may kakaibang sideline

“Proud ang ‘fubu’ ko sa pinsan niyang beauty queen,” sabi ng isang gay make up artist. Sa kanilang salita ang ibig sabihin ng “fubu” ay “for us, by us”, o isang lalaking ka-relasyon nila. Bago pa man daw ang isang beauty pageant ka­makailan, sinasabi na ng lalaki na kasali ang kanyang pinsan, eh nanalo.

Iyon naman daw na sinasabi niyang lalaki ay “title holder din naman”. Dahil nanalo rin naman daw iyon sa maraming men’s contest na nasalihan na noon. Doon nga raw niya nakilala iyon sa isang sinalihang contest kung saan nanalo rin.

Eh ano naman kung ganoon nga ang “sideline” ng isang nanalong beauty queen?

Minsan talagang maliit lang ang mundo, hindi mo naman maiiwasan kung may kaanak kang ganoon nga.

EDDIE GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with