Annabelle tagabantay ng apo!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - June 6, 2019 - 12:00am

What a small world talaga! Habang naglalakad kami kahapon ng balikbayan na si Ms. Mary Ann Opeña sa isang mall sa Makati City ay nagkagulatan kami ni Annabelle Rama.

Wala naman kasi kaming usapan na magkikita doon. Kasama niya ang bunsong apo na si Kai, anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Ibibili raw niya ng sandals si Kai. “Para tuluy-tuloy na ang paglalakad,” sabi ni Bisaya.

Sumama na kami sa mag-lola sa pagpili ng sandals ni Kai at nakakatuwa ang bunso nina Richard at Sarah dahil parang naiintindihan na talaga niya ang ginagawa at may sandals na pagkasukat sa kanya ay ayaw na niyang ipahubad, kaya binayaran na lang ni Bisaya.

Pagkatapos nga ay inalalayan ng yaya si Kai na naglakad-lakad na. Very happy baby nga ito dahil tawa nang tawa habang naglalakad sa tulong ng kanyang yaya at panay naman ang dialogue ni Bisaya ng, “Ang cute-cute ni Kai!”

Matapos bilhan ng sandals, binalik na niya ang bata kina Richard at Sarah na dumating ng bandang 10:00PM.

Si Zion naman ay nag-stay sa nanay ni Sarah, kay Esther Lahbati. “Hati kami ni Esther, pero sabay na sina Zion at Kai pag-uwi mamaya sa bahay nina Chard at Sarah,” sey pa ni Bisaya.

Pops mahal ang anak ni Martin sa iba

Noong isang araw ay nagkita na sina Pops Fernandez at Martin Nievera kasama ang mga anak  na sina Robin at Ram.

Bale meeting ‘yon ng ex-couple para sa concert tour nila sa US at Canada, ang Twogether Again.

Bale sa July na ang punta nila sa Los Angeles, California kung saan ay magho-host muna sila ng isang beauty pageant.

Pinag-meeting-an na nila ang mga duet nila sa kanilang concert tour. Masaya ang naging meeting nila dahil isinama pa ni Martin ang bunsong anak na si Santino.

Sobrang mahal nina Robin at Ram ang bunsong kapatid sa ama. Love na love rin ni Pops ang bunso ni Martin.

Nang unang makita ni Pops si Santino some years back sa US, naiyak pa ang tinaguriang original Concert Queen.

‘Yun na!

ANNABELLE RAMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with