Pag-ere ni Aiko inaabangan
MANILA, Philippines — Nagbabalik-Kapuso ang seasoned actress na si Aiko Melendez. Isa kasi siya sa cast member ng upcoming series ng GMA na Prima Donnas kasama ang teen stars na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo. Sa ginanap na storycon, sinabi ni Aiko na may malaking papel ang kanyang karakter sa serye.
Itinuturing niyang blessing ang bagong show niya sa Kapuso network at looking forward na siyang magsimula sa kanilang taping.
Wala pang exact date kung kailan eere ang Prima Donnas pero for sure, kaabang-abang ito! Pasok din sa cast sina Katrina Halili, Wendell Ramos, Elijah Alejo at Ms. Chanda Romero. Ang Prima Donnas ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Gina Alajar.
Gabbi makakasama sa serye si Eddie
Natuwa ang loyal Kapuso viewers dahil muling mapapanood sa GMA ang beteranong aktor na si Mr. Eddie Garcia! Makakasama kasi siya sa upcoming primetime series nina Gabbi Garcia, Jeric Gonzales at Thea Tolentino. Pasok din sa cast ang Kapuso heartthrob na si Gil Cuerva. Lalong na-excite ang netizens dahil si Direk Toto Natividad ang hahawak ng programa.
- Latest