Maine dalawang pelikula ang paghahandaan
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 26, 2019 - 12:00am

Natawa at nagulat ang manager at President ng Triple A management ni phenomenal star Maine Mendoza, Rams David, nang lumabas at na-post sa social media na kumita na raw in 2018 ang tinaguriang dubsmash queen ng 1.2 billion pesos mula sa kanyang endorsements simula noong 2015 na pinasok niya ang showbiz.

“Saan naman nila nakuha ang figures na iyon,” natatawang tanong ni Rams.

“Wala namang puwedeng magbigay ng ganyang report kung magkano ang kinita ng isang celebrity. Yes, simula nang pasukin ni Maine ang showbiz, more than 20 endorsements na ang nagawa niya, pero hindi pa aabot iyon sa bilyon.”

Sa ngayon, alam nga namin six new endorsements ang ginawa ni Maine, ang pinakabago ang Vivo V15 na may very successful meet and greet siya with the fans na ginanap sa Event Center ng SM Megamall kahapon.

Sa tanong kung magkakaroon na ng second movie na gagawin sina Maine at Alden Richards, sagot ni Rams, may nakalinyang dalawang movies na gagawin si Maine this year pero hindi pa niya alam kung ano iyon.

Meanwhile, ipinaalala ni Rams na mapapanood na simula ngayong Sunday, 12:00 noon, sa Sunday PinaSaya si Alden, after two months na hindi siya naka-appear sa Sunday noontime show dahil nasa Hong Kong siya for the shoot ng movie with Kathryn Bernardo at ang Kapuso Musikalye concert nila sa Brooklyn New York last May 11.

Ken at Rita hinihiritan ng replay

May clamor pala from BoBrey fans nina Ken Chan (Boyet) at Rita Daniela (Aubrey) na mapanood nila ang replay on national TV ng My Special Love - #BoBreyinCONCERT na ginanap noong May 11, sa Music Museum.

Hindi lamang kumanta, sumayaw pa rin ang paboritong love team. Kinanta nila ang single nilang Almusal at may dance showdown sila sa saliw ng Hataw Na.  May heartwarming song number din sina Ken at Rita na special guests ang mga taong may intellectual disabilities tulad nang ipinortray ni Ken sa My Special Tatay. Nakipag-duet si Ken kay John Kenneth Giducos, ang gumanap na Dekdek sa serye.

Dumalo rin sa concert ang co-stars nilang sina Lilet, Teresa Loyzaga, Baby Angelo at ang director nila sa serye, si LA Madridejos.

Kaya ngayong gabi, after ng Kapuso Mo, Jessica Soho, mapapanood ang My Special Love - #BoBreyinCONCERT na dinirek ni Louie Ignacio, creative director si Mcoy Fundales at musical director si Marc Lopez, produced by GMA Network, GMA Music at Star Media Entertainment.

GMA may steps para i-rescan ang digital TV boxes

Nag-issue ng advisory ang GMA Network sa mga Mega Manila viewers tungkol sa pag-rescan nila ng kanilang mga digital TV boxes. Simple lamang ang steps na susundin:

Pindutin ang “Menu”, pumunta sa “setting” sa ilalim ng”Installation. Pindutin ang “Factory Default,” ipasok ang password sa dialogue box (tulad ng 0-0-0-0).  Piliin ang “Yes” to confirm Factory Default.

Piliin ang “Auto Search” or “Auto Scan” at pindutin ang “OK” Hintayin lumabas ang “Search Completed” at pindutin ang “OK” or “Exit.”

Ang mga cable at satellite subscribers ay hindi na kailangang mag-rescan.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with