JM ayaw na ring patulan si Barbie
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - May 25, 2019 - 12:00am

Overwhelmed si JM de Guzman sa pagpirma ng kontrata sa Star Music kamakailan.

Nagpapasalamat si JM sa isa na namang milestone sa kanyang career – ito ang balikan ang kanyang first love na singing. Bale ba ay mapapakinggan ang 8 tracks sa kanyang album. Promise ni JM na dapat abangan ang kanyang original songs na siya mismo ang nagsulat.

Syempre pa ay kilig na kilig na naman ang fans sa boses ni JM na lalong umaangat sa kanyang paggigitara.

Samantala, tameme pa rin si JM kapag natatanong tungkol kay Barbie Imperial. Hinayaan niya ang aktres na magsalita tungkol sa nangyari sa kanila.

Marami ang humanga sa singer-actor sa kanyang pagiging gentleman dahil doon.

Hindi rin siya nagbigay ng reaksyon sa balitang  ni-reject siya ng aktres sa isang pelikula.

Basta pokus lamang ang aktor sa magandang nangyayari sa kanyang career ngayon. Ibinabaling ni JM ang kanyang atensyon sa kanyang music.

Isa pang pinagkaka-adik ni JM ngayon ay sa martial arts at panay ang work out na bukod pa sa related din sa ginagawa niyang project ay hilig na ng aktor noon pa man ang MMA.

JM DE GUZMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with