Arjo hinarap na si Maine sa pamilya!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - May 25, 2019 - 12:00am

Pinag-uusapan ng ArMaine fans nina Arjo Atayde at Maine Mendoza ang tsikang finally ay ipinakilala na ng binata sa kanyang pamilya ang kanyang rumored-girlfriend.

Basta tungkol kina Arjo at Maine, madaling makatunog ang fans.

Noong Thursday raw isinama ni Arjo sa kanilang bahay somewhere in Quezon City si Maine para ipakilala sa kanyang parents na sina Art Atayde at Sylvia Sanchez.

Naroroon din daw ang mga kapatid ni Arjo nang isama ng binata sa kanilang bahay si Maine.

Tiyak na kung natutuwa ang ArMaine sa tsikang ito, may ina namang mga nagpupuyos ang kalooban dahil hindi nila matanggap na si Arjo ang sinasabing boyfriend ngayon ni Maine.

Well...

Melai tinatago ang kili-kili

Nakakaaliw talaga si Melai Cantiveros.

Mahilig siyang mag-sleeveless, pero ang hilig niyang takpan ang kanyang kili-kili.

Madalas na biruin ni Karla Estrada ang kanyang Magandang Buhay co-host dahil sa kili-kili nito, pero hindi naman napipikon ang misis ni Jason Francisco.

Tawa lang nang tawa si Melai kapag ang kili-kili na niya ang topic ng usapan nila.

Ang asaran nina Karla at Melai ang gusto ng loyal viewers ng Magandang Buhay.

Oo nga pala, naka-three years na ang kanilang mor­ning talk show at mukhang lalo pa silang magtatagal!

Zia,nag-Kara Mia challenge

Sabi ng mga taga-GMA 7, maging si Zia na anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay hindi nagpahuli sa #KaraMiaAtAko challenge. 

Nang bumista raw kasi ang aktor sa Kapuso network compound kamakailan kasama ang anak ay hindi niya pinalampas ang pagkakataon na kuhanan ng picture ang panganay na anak sa standee ng Kara Mia na naka-display sa lobby ng GMA Network Center.

Sa larawang ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram stories, nagpa-picture rin si Zia sa standee ni Mia at ang bata ang naging mukha sa harap. 

Nang makarating nga raw sa mga bida ng Kara Mia na sina Barbie Forteza at Mika dela Cruz ang tungkol doon, natuwa ang dalawa.

 

ARJO ATAYDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with