^

Pang Movies

Richard at Raymond walang kapaguran sa pagbiyahe

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Richard at Raymond walang kapaguran sa pagbiyahe
Raymond Gutierrez, Richard Gutierrez

Ang #TrueToPleasure event sa Cannes, France ng isang ice cream brand na pinuntahan ni Raymond Gutierrez.

Enjoy si Raymond sa event na ‘yon na nakasabay din ang Cannes International Film Festival na nasa nasabing filmfest si Direk Perci Intalan.

Sa rami ng events sa nasabing filmfest, hindi lahat ng mga taga-Philippine showbiz na naroroon Anyway, pauwi na rin ngayon ng bansa si Raymond. Aagahan na raw ni Raymond ang pagpunta sa airport dahil na-stress siya the last time na nagpunta siya ng France nang masiraan sa may tunnel ang car service na inupahan niya at kinailangan pa niyang makisakay sa police car para makarating ng airport.

Nakarating man ng airport si Raymond that time ay hindi naman siya umabot sa kanyang flight, kaya kumuha pa siya ng bagong booking at na-cancel tuloy ang isang endorsement shoot niya.

Ilang araw lang mag-i-stay sa bansa si Raymond at ang alam ko ay aalis sila uli ni Richard Gutierrez pa-Europe para sa isa pang event.

Kagagaling din ng kambal sa Orlando, Florida para sa isang watch event naman.

Walang sawa at parang hindi napapagod ang kambal sa pagta-travel.

Habang nasa Cannes si Raymond, umalis naman noong Sunday si Richard pa-Hong Kong kasama sina Sarah Lahbati at Zion.

Sinasamantala na ni Richard ang pagta-travel dahil by June 17 ay magsisimula na raw ang isa niyang movie project under Star Cinema.

Aleck nagka-career uli dahil sa Keto diet  

Natuwa ako nang makita ko si Aleck Bovick at malaki na ang kanyang ipinayat.

Dating sexy star si Aleck na sobrang lumaki ang katawan nang mamahinga sa showbiz.

Nang makita ko siya some years back, sinabing hirap siyang magpapayat.

Pero dahil daw sa Keto diet, malaki na ang ipinayat niya at kasama pa siya ngayon sa cast ng Kadenang Ginto.

May binabagayan nga pala ang Keto diet, dahil kung matatandaan mo Ateng Salve, last year ay na-ICU ang isang showbiz personality na kakilala natin dahil sa diet din na ‘yon.

Nagkaroon ng complications ang nasabing showbiz personality, kaya matagal ding na-confine sa hospital.

Sabi nga, bago mag-start ng diet, dapat mag-consult sa doktor.

Hindi porke effective kay Aleck ang Keto diet ay effective na rin sa lahat.

Ako, mas type ko pa ring magpapayat sa pamamagitan ng pagmu-Muay Thai natin, Ateng Salve!

Anyway, going back to Aleck, masaya siya at active na naman siya sa showbiz.

May bago na rin siyang manager, si Therese Ramos na naging handler noon ni Gabby Concepcion.

vuukle comment

RAYMOND GUTIERREZ

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with