Mike Enriquez gusto agad singilin ang mga ‘nanalong’ senador!

Mike Enriquez

Hot item ang statement ni Mr. Mike Enriquez kahapon.

Hindi niya kasi napigilan ang mag-emote sa partial result ng mga nananalo sa pagka-senador habang nakaupo sa special coverage ng GMA 7 sa natapos na halalan kahapon ng umaga. “Gusto ko silang singilin. Ano’ng maasahan namin sa inyo ngayon?

“Lahat ‘yan nangako eh. Kung kalahati lang sa pangako ng mga kandidato ay magkatotoo — kalahati lang, hindi siyento por siyento —  aba eh napakagandang lugar nitong Pilipinas,” sabi ng beteranong broadcaster.

“Ngayon pa lang dapat magkaalaman na para habang umuusad ang kanilang termino ma-check natin yung ginagawa nila versus yung pinangako nila. Ganun kasimple ‘yun,” bahagi pa ng statement ni Mr. Mike na kilala sa katapangan sa pamamahayag.

Sinubukan pang sumagot ni Ms. Mel Tiangco na “hayaan mo munang i-enjoy ang kanilang panalo after so many months of campaign.”

Pero sumagot si Mr. Mike : “Alam mo ‘yung mga mahihirap na walang matirahan at nangangailangan ng gamot na may sakit subukan mong sabihang tiis-tiis lang.”

Kinabiliban ng netizens ang tapang ni Mr. Mike.

Kasama sa mga natalo ang dating kasamahan ni Mr. Mike sa GMA na si Jiggy Manicad na maagang natanggap ang naging kapalaran sa unang pagsabak sa pulitika. Malayo ang puwesto ni Jiggy.

Rommel hindi nadala ng Kathniel

Sad, pero hindi umepekto ang powers nina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo at maging ni Karla Estrada sa kandidatura ni Rommel Padilla sa Nueva Ecija. Hindi nga lumusot ang tatay ni Daniel sa ambisyon nitong umupo sa kongreso.

Kahit mayor na si Vico, Vic matindi pa rin ang nararamdamang nerbyos

Aminado si Vic Sotto na matinding nerbyos ang nararamdaman niya sa  anak nila ni Coney Reyes na si Vico Sotto na nanalong mayor ng Pasig.

“Hanggang ngayon, ninenerbyos pa rin ako,” pag-amin ng actor / TV host sa mga interview kahapon.

Alam daw kasi nila na hindi basta-basta ang binangga ng anak nila. “Hindi lang basta pader, kunti pader na makapal at matibay,” sabi pa ng Eat Bulaga host na 100 % ang ibinigay na suporta sa anak.

Na-proklama nang bagong mayor ng Pasig si Vico.

Halos tatlong dekadang namayagpag sa nasabing lungsod ang pamilya ng tinalo niyang mayor na si Robert Eusebio.

Nanalo ring congressman ang ka-tandem niyang si Atty. Roman Romulo.

Show comments