Dingdong Dantes, Marian Rivera-Dantes
Dingdong gustong tumbasan ang sakripiso ni Marian
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 6, 2019 - 12:00am

Three weeks nang naisisilang ni Marian Rivera-Dantes and second baby nila ni Dingdong Dantes, si Jose Sixto Gracia Dantes, pero si Dingdong labis ang respeto sa asawa na hindi niya alam kung paano ito susuklian.

“Gusto kong tumbasan ang sakri­pisyo ni Yan nang isilang niya ang second child namin,” sabi ni Dingdong. “Hindi ko maisip kung paano itinaya ng wife ko ang buhay niya sa pagsisilang niya kay Sixto, na 10 hours siya nag-labor, bukod pa doon sa nine months niyang dinala ang baby sa sinapupunan niya. Kaya kapag puwede nang lumabas si Marian, kung ano ang gusto niya para ma-pamper ko naman siya gagawin ko.”

Natatandaan namin noong ilang buwan pagkatapos isilang ni Marian si Ate Zia, una nilang pinuntahan ang isa sa paborito nilang lugar, ang The Farm at San Benito sa Lipa, Batangas. Then, madalas din nilang dalhin si Ate Zia sa beach, pare-parehong mahilig sa beach ang mag-anak. Kaya hindi kataka-taka kung si Dingdong, ang isa sa pupuntahan nila, ay sa beach din, kasama na ang kanilang baby boy, si Sixto.

Sa ngayon kasi, kasama na si Dingdong sa paghahanda ng bagong teleserye niya, ang Philippine adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun. Itinanggi ni Dingdong noon pang pumirma siya muli ng contract sa GMA-7, na hindi siya makikialam kung sinu-sino ang makakasama niya sa serye, mas concerned daw siya sa story, sa character ng bawat kasama sa cast, or the program as a whole.

Bale third Korean drama adaptation na pala itong gagawin ni Dingdong sa GMA-7, una ang Stairway To Heaven kung saan nakatambal niya si Rhian Ramos at ang Endless Love na pinagtambalan naman nila ni Marian.

Bianca nakatapos ng senior highschool kahit busy

Si Bianca Umali yata ang pinaka-abalang young actress ngayon. Bukod sa kanyang gabi-gabing epic drama na Sahaya, may dalawang movie pa siyang natapos na, ang Banal ng APT Entertainment na showing na sa May 29 at ang Family History na ipalalabas na sa June.  Sa kabila ng busy schedules niya, nagawa pa ni Bianca na maka-graduate ng Senior High School, plus every Sunday, live naman siya sa Sunday Pinasaya. Sa lahat nga pala ng projects ni Bianca, ang ka-love team niya ay ang favorite ka-love team, si Miguel Tanfelix.

Pero may aabangan kay Bianca ang mga tagasubaybay ng Sahaya. Nagsimula na last Friday, na ipinakita na ang transformation ni Bianca bilang ang Badjaw girl na si Sahaya pero nang mawalay sa kanyang pamilya, mababago na ang takbo ng buhay niya, ganoon din ang appearance niya. Don’t miss ang bagong Sahaya gabi-gabi after ng Kara Mia na magiging Manilenya na.

MMFF may pa-gathering sa mga nanalo sa Houston International Film Festival!

Isang special presscon/gathering ang ibibigay ng Metro Manila Film Festival (MMFF) committee sa mga nagwagi sa Rainbow Sunset sa Houston International Film Festival sa Texas. Ang MMFF ang nag-sponsor ng trip ng team papunta roon.

Isasabay na rin sa presscon ang paalaala ng MMFF Executive Committee sa nalalapit na deadline ng submission ng scripts para sa 45th MMFF sa December na makakasabay din ang celebration ng Centennial ng Philippine Cinema.

DINGDONG DANTES MARIAN RIVERA-DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with