Tapatan nina Coco at Baron tinututukan

MANILA, Philippines — May mga nagtatanong kung paano kaya haharapin ni Coco Martin kapag dumating na ang confrontation scene nila ni Baron Geisler sa FPJ’s Ang Pobinsyano.

Marami ang nakakaalam kung gaano kaga­ling umarte ni Baron. Tinagurian pa nga siyang young Eddie Garcia noon.

Bukod sa magaling siya sa pagde-deliver ng ba’t ibang dialogue, matindi rin ang kanyang facial expressions na tila siya lamang ang nakakagawa.

Well, ngayon ay masusubukan si Coco kung anong klaseng atake ang gagawin niya sa confrontation nila ni Baron.

Tiyak na kaabang-abang ang gagawin nila ngayon.

Rey Malonzo nasa AP na rin

Nagulat ang mga tagahanga ng tinaguriang provincial superstar na si Rey Malonzo, dating mayor ng Caloocan noong lumabas ito sa screen at napanood sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Hindi nagpatalbog si Rey dahil isang general ang kanyang papel. Problema lang, kaduda-duda ang kilos at galaw niya dahil parang against siya kina Rowell Santiago.

Maraming fans ni Rey ang natuwa na finally ay napapanood na nila ang kanilang idolo.

Mga artistang pulitiko kanya-kanyang palit ng posisyon

Mga artistang politiko ang nagpapalitan lang ng puwesto sa pagtakbo this coming election. Ang da­ting vice governor sa bulacan na si Daniel Fernando na ngayon ay tumatakbong governor at ang dating governor ay vice niya ngayon. 

Dating konsehala si Barbara Milano pero tumatakbong vice mayor ng Talavera, Nueva Ecija.

Ang dati namang vice mayor ng Baliuag na si Abel Acosta aka Tony Patawaran na dating action star ay tumatakbong konsehal ngayon.

Si Mark Lapid ay dating governor sa Pampanga pero ngayon ay running for mayor of Porac, Pampanga. Ang dating Kapuso young actor na si Kenneth Cruz ay tumatakbong konsehal naman sa Baliuag ngayon.

Yasmien wala pang exposure sa pelikula

Mapapansin na tila kulang sa pansin sa Kapuso network ang naging Best Actress noon ng PMPC na si Yasmien Kurdi.

Imagine, sampung taon na sa showbiz si Yasmien pero wala pang naibibigay sa kanya na pelikula at pulos TV series lang na hindi naman maipapakita ang tunay na galing niya sa pag-arte.

Kamakailan lang ay nagtapos si Yasmien na magna cum laude sa Arellano University. Sinabi rin ni Yasmien na gusto na nilang sundan ng kanyang mister na si Rey Soldevilla, Jr. ang kanilang anak.

Sana ay mabigyan na ng pelikula si Yasmien para naman mapanood din siya ng fans na walang telebisyon sa bahay.               

Show comments