Sharon bagong putahe aang ginawa sa horror!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - April 24, 2019 - 12:00am

Humarap kahapon si Sharon Cuneta sa entertainment writers para sa presscon ng Kuwaresma, ang horror movie na pinagbibidahan niya at project ng Reality Entertainment Inc.

Excited ang lahat ng writers na makita at makausap si Sharon na isa sa mga pinaka-articulate na artista sa Pilipinas.

At dahil articulate nga siya, sinagot niya ang lahat ng mga tanong tulad ng reaksyon niya sa malakas na lindol noong Lunes dahil nakatira sila ng kanyang pamilya sa isang napakataas na condominium building sa Ayala Avenue, Makati City.

Bagong putahe para kay Sharon ang Kuwaresma dahil ito ang first horror movie niya.

Mabilis na natapos ang shooting ng project nila ni Erik Matti, ang direktor ng pelikula na showing sa cinemas nationwide sa May 15, 2019.

Good thing, sinubukan ni Sharon na gumawa ng horror movie kaya nakumpleto na niya ang lahat ng genre, ang romcom, musical, drama at action.

Sa dami ng mga nasabik na mapanood muli si Sharon sa big screen, sure ako na magiging hit movie ang Kuwaresma.

Chito Roño nilindol sa Samar

Nag-alala si Roselle Monteverde nang malaman nito ang malakas na lindol na nangyari kahapon sa Eastern Samar.

Nag-worry si Roselle dahil sa pagkakaalam niya, nagbakasyon noong Holy Week sa Calbayog ang kanyang director-friend na si Chito Roño.

Hindi sure si Roselle kung nakabalik na si Chito mula sa Calbayog trip nito.

Nakakaloka ang lindol sa Eastern Samar dahil mas malakas pa ito sa lindol na naganap sa Luzon noong Lunes, April 22.

Lumindol din kahapon sa Bicol region kaya dagdagan pa natin ang pagdarasal para mahinto na ang mga kalamidad sa ating bansa.

Sa mga ganitong pagkakataon, ang Diyos lamang ang makakatulong sa ating lahat kaya huwag na huwag tayong bibitaw sa Kanya.

John super fan ni Sharon

Sa Valencia Events Place ang presscon kahapon ng Kuwaresma na hindi ko napuntahan dahil sa programa naming Take It… Per Minute ni Cristy Fermin na pelikula ng Reality Entertainment, ang movie company ni Dondon Monteverde.

Bilang suporta kay Dondon, sumaglit daw sa presscon nito ang kanyang nanay na si Mother Lily Monteverde at ang kapatid niya na si Roselle.

Si John Arcilla ang gumanap na abusadong asawa ni Sharon Cuneta sa Kuwaresma.

At fan na fan pala si John ni Shaasron na sobrang excitement daw ang naramdaman nang malaman niya na si Sharon ang kanyang kapareha sa horror movie ng Reality Entertainment Inc.

Ipinagmalaki ni John ang kanyang mga natutunan mula kay Sharon habang ginagawa nila ang Kuwaresma. Personal daw na nakita at naranasan ni John kung bakit si Sharon ang Megastar ng Philippine entertainment industry.

 

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with