^

Pang Movies

Hindi lang daw face ang pinagalaw, Arci nag-iba na rin pati boses?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Hindi lang daw face ang pinagalaw, Arci nag-iba na rin pati boses?!
Arci Muñoz

May mga nagtanong, pati raw ba boses ni Arci Muñoz pinagalaw na niya? Parang may iba raw kasi.

Kaloka, baka naman joke lang nila ‘yun?

Napanood daw kasi nila ang episode ng Tonight with Boy Abunda kung saan guest si Arci. Napansin daw nilang mas gumanda ito ngayon na ang obserbasyon nila ay nagpabawas ng labi.

Dati raw kasi ay parang makapal ang labi nito, pero ngayon parang ang perfect ng fez niya.

At may pierce pala siya sa may bandang boobs niya na naloka raw ang boyfriend niyang Chinese nang ipakita niya. At ito, meron din siyang tattoo sa loob ng bibig  sa may bandang ilalim ng labi.

Nauna nang inamin ni Arci na napagdiskithan niya ang pagpapa-retoke sa tuwing malulungkot siya.

Anyway, aligaga si Arci sa promo ng pelikula nila ni JM de Guzman na The Last Fool Show na showing na starting today.

FCPC Baliktanaw, aariba sa Amerika

Itinanghal na kauna-unahang World of Dance Philippines grand champion ang FCPC Baliktanaw ng team division matapos nilang pabilibin ang mga hurado at manonood sa parehong rounds ng finals, dahilan para sila ang hiranging panalo noong Linggo (Abril 7).

 Ang team mula Bulacan ang nakakuha ng pinakamataas na combined scores ng judges at public votes na 99.05%. Bilang premyo, nag-uwi sila ng P2 milyon at ginawaran ng all-expenses paid trip to Los Angeles, USA.

 Ang pagkapanalo rin nila ang magdadala sa kanila sa international stage dahil sila ang kakatawan sa bansa upang makipaglaban sa qualifiers rounds ng World of Dance USA.

Nakilala ang grupo sa pagsasayaw ng street hip-hop na may halong kakaibang Pinoy flavor.

Lubos naman ang pagkamangha ng mga hurado sa kanilang performance at nagbigay ng sari-saring papuri para sa grupo.

 “Ayan ang tinatawag na swag. Ang swag ng Pinoy, nasa inyo talaga. Kung saan man kayo makarating, magiging sobrang proud ako. Nakaka-proud maging Pinoy,” natutuwang sabi ni Maja Salvador.

“Kaming judges hindi namin nakikita ang routines ng hindi namin mine-mentor. Bilib ako sa FCPC. Alam kong meron silang gagawin (nakakamangha). Alam kong meron silang ida­dagdag,” komento naman ni Gary Valenciano.

vuukle comment

ARCI MUñOZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with